21 July, 2011

u2me2! • 3

Chapter 3

"Oh, heto na yung phone mo. May translator na yan..." abot ni Bry kay Clang ng CP nito.

"Tenks, yunow..."

"Baliw..."

Lumabas ang dalawa para i-enjoy ang unang araw nila sa Big Apple.

"In New York... Concrete jungle where dreams are made of... There's nothing you can't do... Now you're in New York..." kanta ni Clarisse.

Natawa na lang ang binata, "Wow! Feel na feel mo 'no?"

"Crush mo na ako 'no?" biro ng dalaga sabay takbo.

'Baliw...' bulong ni Bry sa sarili.


"Bilisan mo! Gusto kong makita ang Statue of Liberty at malaman kung nakatayo pa rin siya!" sabay para nito sa isang taxi.
•••

"Medyo green pala siya..." sambit ni Clarisse habang kinukunan ang estatwa mula sa malayo, "picture-an mo ko..." sabay abot ng CP kay Brylle.

"Makautos... Ok... 1... 2... 3..." Naka-pose pa rin si Clang, "kasama ba yung Liberty?"

"Malamang... Ano pang sinilbi niyan?"

"Ok... Ok..." sabay layo pa sa kanyang pwesto para maisama ang Liberty sa frame, "game!" pagkatapos ay lumapit na siya sa dalaga.

"Tapos na?"

"Oo..." sauli nito sa CP ni Clang.

"Hindi pa ako naka-pose eh..."

"Tigil-tigilan mo ako ha..." sabay lakad na ni Bry palayo.

"Ang sungit... Impakto..." bulong ni Clang. Biglang may tumawag sa dalaga, agad naman niya itong sinagot.

"Hello?" tinig ni Terrence, "nasa New York ka na?"

"Terre!" sigaw ni Clang.

Agad namang napahinto si Bry sa kanyang paglalakad nang marinig ang isinigaw ng dalaga, 'Pati ba naman roaming number alam niya?'
•••

Habang kumakain ang dalawa ng hotdog sandwich sa Battery Park kung saan maganda ang view sa estatwa,

"Sabi ni Terre, bibisitahin niya daw tayo sa susunod na araw," sabi ni Clarisse matapos ubusin ang isang sandwich at kunin ang isa pang binili niya.

"Bakit tayo? Ikaw lang naman kaibigan nung tao."

Pagkatapos kumagat sa tinapay agad sumagot si Clang, "eh di ako lang... Hay... Seloso ka naman masyado..."

Nabigla si Bry sa sinabi ng dalaga, "KAPAL!" sigaw nito habang may kinakain.

"Grabe ka! Tumatalsik yung mga nginunguya mo! Yak!" biro ni Clarisse sabay pagpag nito sa sarili.

"Ewan ko sayo!" sabay lakad palayo.

"Walk-out na naman..." sabay belat naman ni Clang.
•••

Sa hotel,

"Oh... Heto schedule mo... Morning lang parate pasok mo, mag-taxi ka na lang palagi," sambit ni Brylle matapos iabot sa dalaga ang kanyang schedule sa klase.

Bumusangot na ang mukha ng dalaga, “wala na akong kasabay pumasok…”

“Wala ka nang gwapong kasama…” pagmamayabang naman ni Brylle.

“Matulog ka na nga! Hambog…”

“Oh aige… Maiwan na kita d’yan… Papasok na ako sa kwarto ko…” madiin na sabi ni Brylle sabay pasok na sa loob ng kanyang kwarto. Ilang sandali lang bumukas muli ang pinto, “gusto mo… Tabi tayo?” siraulong pang-aakit nito.

“Hambog ka na, MANYAK KA PA!” sabay bato nito ng ng throw pillow sa binata.

“Maka-manyak ka… Kung ikaw rin lang ‘no, WAG NA!” dagdag pa ni Brylle, “luging-lugi ako sayo…”

“Ang kapal mo! Matulog ka na nga!!!” sigaw ni Clang.

Hindi man pumayag ang binata na ihatid si Clarisse, nagwagi pa rin ang dalaga, hinatid-sundo siya nito.
•••

Patapos na ang pangalawang araw ng dalawa sa Big Apple nang biglang tumawag si Efren kay Brylle, “oh Efren… Napatawag ka?”

> pinapatawagan po talaga kayo ni Ma’am Alma… Teka po… Eto kakausapin na kayo… * kinuha ni Alma ang phone* Hello Brylle, you’re in New York na?

< yes po… Bakit?

> Sun Films Inc. is there already… They were doing a movie d’yan… And you’re invited for an audition.

< po?! Movie?! Bakit naman po ako?!

Napalingon kaagad si Clarisse.

No comments:

Post a Comment