04 May, 2011

A Love to Kill Ep-01.4

Friday, 6:00pm, GD State Tower

"Thank you for coming..." bati ni Mr. Tan sa mga nakakasalubong na bisita sa Corporate Party ng kinabibilangang kumpanya.

Di nagtagal dumating din si Lindsey kasama ang pinsang si Allysa.

Sa kabilang banda, si Andrei, "Gotcha..." signal niya sa kapatid na nasa CR.

Umpisa na para maghanda si Warren, ni-lock ang CR, inuna niya ang camera na nakakabit sa loob, kumunekta siya sa cord at, naka-still image na ang camera.

Agad kumuha ng Wine si Andrei sa sine-serve ng mga paikot-ikot na waiters, nilapitan ang dahilan kung bakit naroon sila ng kapatid.

"I'm sorry..." paumanhin ni Andrei kay Mr. Edgar Clemoro matapos nitong matapunan ng alak sa damit ang negosyanteng kasosyo ni Mr. Enrique Tan. Kumuha ng tissue ang dalaga mula sa kanyang bag at marahang pinunasan ang lalaki.

Habang ginagawa yon ni Andrei ay tila ba nakikiliti ang matanda.

"I'm very sorry," hinto ni Andrei sa ginagawa, "do you want me to accompany you to the rest room?"

"No... I'll be just fine... Just wait for me here..." sabay kindat kay Andrei.

Nang makaalis ang matanda, kinuha niya ang maliit na mic sa kwintas niya, "It's your turn."

................................

"Magpapakita na kaya siya sa monday?" tanong ni Lindsey kay Allysa.

"Excited ka 'te... Wait ka lang... Mahaba pa ang school year..." sagot naman ni Allysa na abalang kumakain, "ay, wait ka lang d'yan ha... Natatanaw ko yung chocolate fountain..."

Habang sa kabilang banda naroon si Warren, "Done." bulong niya sa sariling mic.

Nagmamadali na siyang naglalakad palabas ng kasiyahan nang biglang mabunggo si Lindsey na naging dahilan ng pagkaka-out-of-balance nito. Nasalo naman ni Warren si Lindsey, hawak ang dalaga sa likod na tila ba ay magsasayaw sila.

Napatingin si Lindsey sa mga mata ng binata, at noon din, lumakas ang tibok ng puso niya. Pinagmasdan niya ang magandang mukha ni Warren. Matagal. Ayaw na niyang matapos.

Naputol lang ang titig ng dalaga nang magsalita si Warren, "I... Have to go." sabay halik nito sa noo ni Lindsey at umalis.

Natameme si Lindsey at pinanood na lumayo ang estrangherong lalaki.
................................

Kinabukasan,

"What?!" sigaw ni Enrique habang may kausap sa telepono, "OK... Hintayin niyo ako."

Lumapit si Ivy sa kanyang asawa, "anong nangyari?"

"Patay na si Mr. Clemoro."

"Ha?! Paano?"

"Gun shot, sa ulo... Si Lindsey?"

"Kasama si Allysa... Mag-sa-shopping para sa Acquaintance Party nila mamaya... Kasama naman nila si Anton."

"Good. Just stay here," paalam ni Enrique sa asawa sabay alis, nakangisi siyang sumakay ng kanyang sasakyan.
................................

Alas-diyes na ng bumaba ng kanyang kwarto si Warren.

"May balak ka pa palang bumangon..." pang-aasar ni Andrei.

Binuksan lang ni Warren ang ref, kumuha ng gatas at tinungga.

"Anong susuotin mo sa Acquaintance?" tanong ni Andrei.

"Ha?!" pagtataka naman ni Warren, "a-attend ka?"

"Tayo."

"Bakit kasama pa ako?"

"Kasi po ikaw ang may gustong mag-aral tayo."
................................

"Paanong na-hack ang camera?! Wala kayong kopya sa buong araw?!" sigaw ng Detective na nag-i-imbestiga sa kaso ni Mr. Clemoro.

No comments:

Post a Comment