22 June, 2011

u2me! • 2

Chapter 2

“Ay!” sigaw ni Clarisse, nagulat siya sa biglang pagbusina ng sasakyang nasa harap niya.

“Miss… Pwedeng patanong?” sambit ng binatang naka-shades na nakadungaw mula sa driver’s seat.

Lumapit naman ang dalaga, sa paglapit niya hinubad na ni Brylle ang salamin at doon na huminto ang mundo ni Clarisse. Isang anghel ang nasa kanyang harapan, maamong mga mata, matangos na ilong, magandang labi, makinis na mukha, maayos na buhok at ngiting nakatutunaw.

Napangiti na lamang si Brylle ng marinig niya mula sa dalaga ang ‘Happy birthday…’


Patuloy pa rin ang pagkakatitig ni Clang nang tapikin na siya ng binata, “Miss, itatanong lang sana namin kung saan ‘tong address na ‘to,” sabay abot ni Brylle ng isang papel.

Nakangiti pa rin ang dalaga ng kinuha nito ang papel hanggang sa basahin na niya ito, “ah… Sa lugar namin ‘to.”

“Talaga?!” sigaw naman ni Brylle sa tuwa na lubos na nagpanginig ng tuhod ni Clarisse.

“Ituturo ko sa inyo kung saan, sundan niyo na lang ako…”

Binuksan ni Brylle ang pinto sa bandang passenger’s seat, “tara sakay ka na.”

Hindi na nag-atubili pang pumasok sa sasakyan si Clarisse, ng makaupo, “deretso lang…”

Sa buong byahe, tahimik lang na nakaupo sa likuran si Philip hindi umaalis ang tingin niya sa dalagang nasa unahan mula sa inside mirror, tanging si Brylle lamang ang nakapansin nito dahil si Clarisse ay buong byaheng nakatitig sa kangyang katabi.

Nakita na ni Brylle ang numero ng bahay na kanilang sinadya, huminto na sila.

“Ne! May customer!” sigaw ng baklang si Froila sa kanyang nakababatang pinsan ng makitang may humintong kotse malapit sa kanya.

“Kostomer?! De-kotse?! Kelan pa naging restoran ‘tong karinderya natin?!”

Bumaba mula sa sasakyan si Clarisse, “O Froy! Anong ginagawa mo dito?”

“Gaga ka? Dito ako nakatira, madir ko kaya ang may-ari nitong eatery! Loka-lokang ‘to!” sagot naman ni Froila.

Natigilan na lang si Clarisse nang maintidihang ang kanilang bahay ang sadya nila Brylle.
•••

Nakaupo ang magpipinsan sa karinderya…

“Antangkad mo pala sa personal ‘no Brylle? Anong height mo?” tanong ni Froila sa kanilang bisita.

“5’9…” sagot naman nito.

Hinaplos ni Froila ang braso ni Brylle, “at ang kinis…”

Tinapik na siya ni Clarisse, “sabi mo cute lang di ba?...” sarkastikong ngiti nito sabay bulong ng, “akin ‘to ‘te… no touch…”

Habang sa loob ng bahay ay masinsinan ang usapan nila Philip at tyahin ni Clarisse na si Rose.

“Kahit kailan hindi naghabol ang kapatid ko para sa kahit katiting na sustento…” sambit ni Rose.

“Alam ko… Alam ko… I just want to give her what I should have given her a long time ago…”

“Sa akin ipinagkatiwala ni Anastacia si Clarisse nang mamatay siya…”

“I’m the father, pupunan ko lamang ang labing-pitong taong pagkukulang ko bilang ama.”

Lumabas na ng bahay si Rose at Philip, tinungo nila ang mga bata sa karinderya.

“Clarisse…” tawag nito sa pamangkin, mabilis namang nakuha nito ang atensyon ng dalaga at agad itong tumayo, “Clarisse, ito si Philip Sy,” pakilala nito kay Philip na kasalukuyang katabi niya, “siya ang tatay mo…”

Tumigil muli ang mundo ni Clarrise, ngunit hindi katulad ng pangyayari kanina, hindi niya malaman kung masaya ba siya sa kanyang nalaman.

Unti-unti ay lumapit si Philip sa kanyang anak at hinagkan ito. Ngunit manhid ang buong katawan ni Clarisse, ni hindi niya nararamdamang tumutulo na ang kanyang mga luha.

Ilang saglit pa, bumitaw si Clarisse sa pagkakaakap sa kanya ng kanyang ama at tumakbo ito papasok ng kanyang kwarto. Wala nang nagawa ang lahat kundi panoorin ang dalagang ibalibag ang pinto.

Umalis rin sila Brylle matapos magkaroon ng kasunduan kay Rose
•••

Kinabukasan,

“Mag-almusal ka na… Susunduin ka na mamaya…” bungad ni Tita Rose pagkalabas pa lang ni Clarisse ng kwarto.

“Hindi ako sasama,” sagot nito.

Pinigilan ni Rose ang pamangkin sa paglalakad, “Clang… Bigyan mo siya ng pagkakataon…”

“Bakit pa? Ngayon pa? Nabubuhay naman ako ha…”

“Gusto niya lang na mapabuti ka…”

“Bakit? Napapasama ba ako rito?”

“Clarisse, malaki ang kasalanan ng tatay mo sa Mama mo, pero wala siyang kasalanan sayo…”

Natahimik na lang ang dalaga.

“Naka-empake na yung ibang gamit mo, susunduin ka mamayang alas-nuebe.”
•••

Alas-nuebe nga ng sunduin ni Brylle si Clarisse, mag-a-alas diyes na ng marating nila ang Condominium na tinutukoy ni Philip.

Inakyat nila ang unit sa 5th floor. Nang buksan nila ang pinto bumungad sa harap nila ang sala na kasalukuyang pinagtatambakan ng mga kahon-kahong mga gamit, sa kaliwa nito ay hagdan, inakyat ito ni Clarisse at nakita mula rito ang isang mala-balkonahe kung saan matatanaw mo ang sala, kusina at kainan sa ibaba, naroon rin ay isang kwarto na nakatapat sa balkonahe, at isa pa katabi ng napakalaking bintanang nagbibigay ng matinding liwanag sa loob ng bahay.

Nilibot naman ni Brylle ang baba, mula sa sala, nakita niya ang pinto sa malapit sa hagdan, isa itong kwarto. Pumunta pa siya sa kusina at dining, may CR sa bandang dulo ng kitchen. Nilibot niya ang tingin mula sa baba hanggang tanawin niya ang itaas, “Astig ha… 3 Bedroom, 2 Bathroom, 2 Storey.”

Bumaba na si Clarisse at nilapitan si Brylle, “kaya ko nang ayusin ‘to, pwede ka nang umuwi…”

Hindi malaman kung anong tawa ang gagawin ni Brylle sa narinig, “Dito rin ako titira!”

“Ha?!”

No comments:

Post a Comment