31 July, 2011

u2me2! • 9

Chapter 9

Hinatid nang pauwi ni Terrence si Clarisse pabalik ng hotel nito sa New York,

"Napagod ka?" tanong ni Terre sa dalaga habang nasa tapat na sila ng hotel nito.

"Hindi, ang saya nga eh, tara, tuloy ka muna, baka gusto mong magkape?"

"Hindi na... Para makapagpahinga ka na, may pasok ka pa bukas," paalam nito, "sige, mauna na ako ha... Bye!"

Papasok na ng hotel si Clarisse ng saktong dumating si Brylle, "BASURERA!"

30 July, 2011

u2me2! • 8

Chapter 8

"Kalma Clarisse, kalma!" sabi ni Clang sa sarili habang nakaupo sa kanyang kama matapos mahimasmasan sa kalandiang nagawa, "wala kang sinabi, wala... Bingi yon... Hindi niya yun naintindihan... Wooh... Kalma!"
•••

2:00am, Liberty Island,

"Dadalhin ko yung basurerang yon dito," ngingiti-ngiting sabi ni Brylle sa sarili, "magpakasaya ka na Terrence, pagkatapos rin ng shoot babalik na sa akin si Clarisse..."

"Ready?" biglang tanong ni Sophie na hindi napansin ni Brylle na lumapit pala sa kanya.

"For what?" balik na tanong naman ni Brylle.

"Hindi ka ba nasabihan na yung scene for Empire State is na-revise na dito?"

"Aling scene?" pagtataka ni Bry.

"Yung hahalikan ni Sammy Boy si Bianca?" tukoy ni Sophie sa character nilang dalawa, "surprised?"

28 July, 2011

u2me2! • 7

Chapter 7

"Ha?!" pasigaw na tanong ni Brylle.

> yan ka na naman, nagbibingi-bingihan ka na naman, dito ako matutulog...

< bakit?!

> wala naman akong klase bukas eh, saka iiikot ako ni Terre...

< bakit hindi ka nagsasabi?!

> o, nasabi ko na... Sige na ha... Nagluluto kasi kami eh... Babu! *sabay baba nito ng CP*

"Nagluluto? Hanggang dito ba naman nagluluto pa rin siya?" tanong ni Brylle sa sarili, "tapos doon pa siya matutulog?!"

26 July, 2011

u2me2! • 6

Chapter 6

“Kung bibili ka ng mga pasalubong, dito ka na bumili, mahal kasi ang mga bilihin sa New York,” payo ni Terrence sa kasama habang namimili sila sa isang grocery.

"Talaga?"

"Yup, mataas kasi ang cost of living sa New York compared dito. Siguro cheaper ng 10% ang mga bilihin dito..."

“Sige, next week babalik ako dito,” tugon naman ni Clang.

“Bakit? Wala pa ba si Brylle by next week?”

“Sampung araw siya mawawala, bale dalawang araw na lang kaming magkakasama bago kami umuwi…”
•••

Lagare na kung magtrabaho ang lahat sa set, “Sir, fitting po tayo by 9pm mamaya,” paalala ni Obet na isa sa mga staff kay Brylle.

Agad namang tumingin sa kanyang relo ang binata, 5:20pm, “sige.” Nilingon niya si Efren at sinabihan nang uuwi na sila’t pack-up na sila sa set.

“Sir,” tawag muli ni Obet sa bagong aktor, “and 1am na po ang scheduled shoot niyo tomorrow, hindi na po 4am..."

23 July, 2011

u2me2! • 5

Chapter 5

Central Park, Manhattan,

"Cleopatra's needle," turo ni Terrence sa isang kulay pulang granite na straktura.

"Talaga?" biglang lumapit si Clang at tinignan maigi ang mahabang estatwa, "asan siya d'yan?"

"Sino? Si Cleopatra? Wala siya d'yan... 'The Crowned Horus Bull of Victory Arisen in Thebes,'" basa ni Terre sa translation ng banner, "parang naging tawag na lang ng mga tao ang Cleopatra's needle kahit wala naman talagang kinalaman si Queen Cleopatra d'yan sa sculpture.
•••

Habang nagkakape ang bagong magkapareha,

"Matagal na kitang nakikita as commercial model, I'm sure you're the one who did the Coke TVC," sambit ni Sophie.

"Oo, twice," Sagot naman ni Bry matapos humigop ng kape.

"Sabi ko na eh, siguro we should practice some lines na para ok na tayo tomorrow," payo naman ng dalaga at agad namang pumayag si Brylle.

u2me2! • 4

Chapter 4

Nagpatuloy pa ang usapan nila Alma at Brylle.

> co-company nila yung nakakita ng VTR mo, actually the role was vacant since yung artista na papalitan mo eh nababalita na nakabuntis, the company won’t settle for this actor, si Chris Rosalde…

< di ba Ma’am…

> *pinutol ni Alma ang sinasabi ni Bry* Brylle audition pa lang ‘to, kesa naman magpadala pa sila ng ibang talent d’yan eh andyan ka naman… The role was not that hard, magiging anak ka lang dyan sa movie and to be partnered with Sophie Del Rosario… Kung makuha ka man and you’ll do the movie, nasa sayo na yon kung gusto mo ituloy… Are we clear?

< yes Ma’am…

> Director Leo Cruz will be waiting for you at Wellington Hotel by 10am, oras d'yan, together with the whole cast for script rehearsals…

< akala ko po ba may audition pa?

21 July, 2011

u2me2! • 3

Chapter 3

"Oh, heto na yung phone mo. May translator na yan..." abot ni Bry kay Clang ng CP nito.

"Tenks, yunow..."

"Baliw..."

Lumabas ang dalawa para i-enjoy ang unang araw nila sa Big Apple.

"In New York... Concrete jungle where dreams are made of... There's nothing you can't do... Now you're in New York..." kanta ni Clarisse.

Natawa na lang ang binata, "Wow! Feel na feel mo 'no?"

"Crush mo na ako 'no?" biro ng dalaga sabay takbo.

'Baliw...' bulong ni Bry sa sarili.

19 July, 2011

u2me2! • 2

Chapter 2

Anim na oras na silang nasa himpapawid, tulog si Brylle suot-suot ang kanyang headphone habang nakikinig ng music, si Clarisse naman nainip na sa kakamasid sa mga ulap na nakikita kaya naglaro na lang siya ng Angry Birds.

8th hour, naghain naman ang mga flight attendant ng merienda, at sinamantala naman ni Clarisse na tulog ang kanyang katabi at kinain rin ang pagkain nito, "diet naman siya eh..."

Onse oras, si Clang naman ang tulog samantalang nagising naman ang binata sa biglang pag-alog ng paligid, napansin niya ang naka-tungong ulo ni Clarisse. Itinulak niya itong pasandal sa backrest ng upuan at doon niya napansin ang isang bagay, "yaks... Tulo laway..." Pinagtripan niya ang dalaga't kinunan ng litrato.

12 hours, pagkain muli ang pinagkaabalahan ni Clarisse, habang si Brylle sandwich lang ang kinain, "gusto mo?" sabay subo ni Clang ng kanin at ulam na tila iniinggit ang binata, "sarap... Hmmm..."

"Baliw..." sagot naman ni Brylle sa katabi.

17 July, 2011

u2me2! • 1

Chapter 1

"New York?! Sa America?!" gulat na gulat na tanong ni Froila at Nene kay Clarisse nang mabasa nila ang ticket ng dalaga.

"Hindi... Sa Cubao... New York Cubao... Kailangan kasi naka-eroplano ka kapag pumunta ka ng Cubao."

"Baliw!" sigaw ni Froi, "kelan kayo aalis? Gaano kayo katagal dun?"

"Uy mag-uwi ka ng chocolates ha..." hirit naman ni Nene.

"Mga sira! Magpapalamig lang kami doon dahil mainit ang mata sa akin nung step-madir ko..."
•••

Sa office ni Ms. Alma, ang handler ni Brylle, "gaano ka katagal doon?"

"Two weeks lang po Ma'am," sagot naman ni Bry.

"Paano yung mga na-oo-han mo nang commitments?"

15 July, 2011

u2me2! • cover



They were about to invade New York City, hindi yung sa Cubao ha...

Para matakasan ang nag-iinit na paningin ni Mommy Violeta, dalawang linggong mag-i-stay si Brylle at Clarisse sa NYC, si Clang para mag-aral at si Bry para magbakasyon. Pero magkakaroon ng malaking pagbabago sa buhay ng binata na sa Big Apple niya matatagpuan at sa Pinas niya durugtungan.

Samantalang si Terrence, igra-grap ang opportunity na ma-solo si Clarisse at maipakilala sa kanyang pamilya na naka-base sa New Jersey na isang tren lang mula sa New York.

1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 | 17 | 18 | 19 | 20 | 21 | 22

Ops... Ops... Ops...


Alam mo na ba kung ano ang "Wit kita tipis-tipis?" Gaano kasarap ang WALONG Voice Combo Sandwich? Anong pinagkaiba ng 'prefer' sa 'prepare?'
Kung sinong sumapak kanino? Anong role ng SM Mall of Asia? Eh, "Paano lulutuin ang spaghetti noodles kung hindi naman kasya sa kaldero?"


Kung hindi, aba...




Mag - u2me!♡ ka muna.

u2me! • 20

Chapter 20

"5pm tau pu2nta kyla ninong Philip," text ni Brylle kay Clang. Alas dos pa lang ng hapon, naghanda na ng masusuot ang dalaga nang biglang may pumindot ng doorbell, agad naman siyang bumaba mula sa kanyang kwarto't pinagbuksan ng pinto ang bisita, si Violeta.

Hindi na nag-aksaya ng panahon si Violeta at pumasok na sa loob kahit hindi pa siya iniimbitahan.
•••

14 July, 2011

u2me! • 19

Chapter 19

Sa campus restroom,

"Happy birthday to me!" masayang bati ni Clang sa harap ng salamin nang biglang may magtext sa kanya, si Nene, "te, nxt tym n lng dw tau magnomnom, inuulcer si kuya froi eh..." biglang nawala ang ngiti sa kanyang labi. Lingid sa kanyang kaalaman na kinuntsaba lang ni Brylle ang magpinsan.
•••

Magtatanghali na nang makauwi si Brylle dala-dala ang pagkarami-raming binili sa grocery at bookstore. Inilapag niya lang ang mga ito at agad na tinawagan si Clarisse, "Hello? Asan ka?"


u2me! • 18

Chapter 18

Nagising si Brylle dahil sa ingay na nagmumula sa labas ng kanyang kwarto, tinignan niya ang orasan sa tabi ng kama niya, "3:18? Istorbo naman talaga oh..." sabay taklob ng ulo gamit ang isang unan at natulog uli.

Muli nagising siya, tumingin sa orasan, "3:20. Sh*t!" bumangon na siya at lumabas na ng kwarto.

Agad naman siyang nakita ni Clang, "nagising ba kita?" tanong nito habang naghahalo ng pinagiling na bigas.

Tinignan lang ng masama ni Brylle si Clarisse at pumasok naman sa CR.


12 July, 2011

u2me! • 17

Chapter 17

Nagpalit lang ng pambahay na damit ang binata bago lumabas ng kanyang kwarto, pagkabukas pa lamang niya ng pinto, napansin na niya ang kung anong bagay na hinahangin sa kanilang balcony, natatakpan ng kurtina ang kanilang bintana kaya kinailangan pa niyang lumabas para makita kung ano ang mga ito.

Doon, nakita niya ang mga basang damit pambabae na naka-hanger sa alambre na nakakabit sa magkabilang ilaw ng balkonahe.

“Naglaba ka?” tanong ni Brylle kay Clang pagkapasok nito mula sa balcony.

“Oo…” sagot naman ni Clang habang nagpe-facebook.

“Bakit hindi mo ginamit yung washing machine?”

“Meron ba tayong washing machine?” gulat nitong tanong sa binata.


10 July, 2011

u2me! • 16

Chapter 16

Naglalaba si Clarisse nang biglang may pumindot ng kanilang doorbell, si Terrence.

"Good morning," bungad na ngiti ni Terre kay Clang.

"Uy... Tuloy ka..." paanyaya nito sa bisita, nang makapasok na si Terrence sa loob, "upo ka lang muna dyan ha, aayusin ko lang muna yung mga nilalabhan ko," paalam nito bago pumasok ng CR.

"Si Brylle?" tanong ng binata.

"Si Brylle? Pumasok!" sigaw nito mula sa loob ng banyo. Ilang minuto lang lumabas din siya kaagad. "Napadaan ka?"

08 July, 2011

u2me! • 15

Chapter 15

“Imposible namang hindi alam ni Brylle na hindi talaga kayo magkadugo… Baka he’s doing it in purpose, para hindi ka mailang na may kasama kang lalaki sa bahay,” ito ang mga sinabi ni Terrence kay Clarisse na magpasahanggang ngayong nagluluto na ang dalaga ng hapunan ay paikot-ikot pa rin sa kanyang isip.

Tahimik lang din ang dalaga habang sabay silang kumakain, paminsan-minsa’y pasimpleng sinisilip ang binata.

“Ang tahimik mo ata ngayon,” puna ni Brylle sa kasama, “nahihirapan ka sa pinag-aaralan mo?” pang-aasar nito.

“Hindi…” walang ganang sagot ni Clang.

07 July, 2011

u2me! • 14

Chapter 14

"Brylle... Gising na..." sigaw ni Clarisse habang kinakatok si Bry sa kanyang kwarto, "male-late na tayo..."

Agad namang bumangon ang binata't lumabas, "nakaligo ka na?" puna nito sa basang buhok ni Clarisse. Dumeretso siya sa kusina at doon nadatnan ang maiinit na puto. Kumuha siya ng isa't sinubo ng buo.

"Patay gutom?" pang-aasar ni Clang. Kumuha pa ng isa ang binata ng awatin siya ni Clarisse, "wag mong ubusin!"

"Sa dami nito sa tingin mo kaya ko 'tong ubusin? Anong gagawin mo sa mga yan? Andami-dami, ibebenta mo?" tanong ni Bry.

"Ibebenta ko."

05 July, 2011

u2me! • 13

Chapter 13

Kinaumagahan,

"Kain na..." alok ni Clarisse kay Brylle pagkalabas pa lang ng binata sa kanyang kwarto, ngunit dere-deretso lang itong naglakad patungong CR, sinundan na lang niya ito ng tingin, "badtrip pa kaya yun sa akin?"

Pagkalabas ng CR matapos maligo, muli ay inalok ng makakain ni Clang ang binata, pero hindi pa rin siya nito pinansin, umupo ito sa salas.

"Efren?" kausap ng binata sa CP, "pakisabi kay Ma'am Alma hindi ako makakapunta dyan ngayon... May pasa kasi ako eh... Hindi ako napaaway... Nadulas lang ako... Sige na... Ikaw na bahala... Bye."

Lumapit na ang dalaga, "lagyan natin ng ointment yang pasa mo..." alok ni Clang.

u2me! • 12

Chapter 12

"May gusto ba sayo yun?" tanong ni Brylle matapos maghugas.

"Imposible..." sagot ni Clang.

"Imposible? Bakit naman?"

"Matalino kasi siya..."

"Matalino? Sukatan ba yun?"

"Sino ba naman ako? Kung lait-laitin mo nga ako eh... Syempre malamang mataas ang standards niya..."

"Ano yun? Ibigsabihin walang matalinong magkakagusto sayo?"

"Wala... Bobo lang ang magkakagusto sa katulad ko..." sabay talikod nito't umupo sa sofa para manood ng TV.

Naiwan si Brylle sa kusina, 'bobo?' matagal niya 'tong pinag-isipan, "ano naman? Hindi ko naman gusto yang basurerang yan..." sumunod na rin siya sa salas.

“Kawawa naman ako…” paawa-effect na sabi ni Clang, tinignan muna siya ni Brylle ng may halong pagtataka bago siya nagsalitang muli, “seventeen na ako hindi pa ko nakakaranas maligawan… “

“Desperada ka na?” tawa ng binata, ngunit nang makita nito ang nakabusangot na pagmumukha ni Clarisse, “gusto mo…” sabi nito habang unti-unting lumalapit.

02 July, 2011

u2me! • 11

Chapter 11

“Te, baka may ganito pa sa inyo… Uwian mo naman ako…” ungot ni Froila sa pinsan, si Terrence ang tinutukoy nito. Dinala ni Clarisse ang kasama sa karinderya ng kanyang Auntie Rose.

“Loka-loka! Pagpasensyahan mo na yan Terre ha…” depensa ni Clang. Ngiti lang ang mga sagot ni Terrence kahit may isang oras na siyang pinagti-tripan ni Froila’t Nene.

Biglang tumunog ang CP ni Clang, tinatawagan na siya ni Brylle.

“HOY BASURERA! Alasais pasado na! May balak ka pa bang umuwi?!” sigaw ng binata sa kausap sa kabilang linya.

Hindi na kailangan ng loudspeaker para marinig ng lahat ang mga sinigaw ni Brylle, “BF mo na ba yan?” tanong ni Nene sa pinsan.

“HOY! IMPAKTO KA! Marunong akong umuwi kaya wag mo na akong sigawan!” sigaw rin ni Clarisse sabay baba ng CP.

“Ay LQ…” singit ni Froila.

“Bwiseeet…” dagdag pa ng dalaga.

“Uwi na tayo?” yaya ni Terrence.

u2me! • 10

Chapter 10

Nagising si Clarisse nang may tumawag sa kanyang CP, si Terrence, "hello?"

"Hello... Busy ka?" tanong ni Terrence.

"Kakagising ko lang..."

"Ay... Nakaistorbo ata ako..."

"Hindi ok lang... Tanghali na rin naman eh... Anong oras na ba?" saglit ay sinilip ang oras sa phone, 1:30pm.

"Kumain ka na ba? I'll treat you lunch."

"Kaso si Bry..."

“Kakasalubong ko lang kay Brylle, he left the building already… Come on… I-invite din sana kita somewhere eh…”