07 October, 2010

I Miss You Like Crazy • 9

Chapter 9 - But

"Girl, advance happy birthday..."

"Ui, 20 ka na bukas..."

"I've heard darating daw si Andrew..."

Mga bagay na narinig ko nang palapit na ako sa kanila.

"O, ayan na pala si Andrew..." lingon sa akin nung isang babae.

Agad namang napatingin si Marj, halatang-halata ang interes sa mukha niya na makikita niyang muli si Andrew. Pero agad namang nawala yon nang ako ang makita niya, "no, he's not Andrew," sabi niya sa mga kaibigan niya, sabay lapit sa akin at kapit sa braso ko, "this is Japhet, Jaf, this is Ann,..."

Matapos akong ipakilala ni Marj sa mga kaibigan niya, nagkanya-kanya din sila nang attention. Ngayon, si Marj ang kaharap ko sa mesa ngayon, pinapanood siyang maglasing, "inom ka..." alok niya sa akin.

Umiling lamang ako, maya-maya, tinanong ko siya, "darating si Andrew?"

Kibitbalikat lang ang natanggap ko mula sa kanya. Alam ko na kung anong ginagawa ko dito. Alam ko na kung ano rin ang gagawin ko dito. At handa ako, tanggap ko kung anong role ko ngayong gabi, I'll be on her side.

Ilang saglit, nagbago ang emosyon sa buong paligid, sa mukha ni Marjorie.

Paglingon ko, bumebeso ang mga kaibigan ni Marj kay Andrew, kilala ko na siya, parang ako lang. Lumapit siya sa mesa namin, nakipagkamay kay Marj at bumeso rin.

"It's been a while..." bungad ni Andrew.

"Yah," tungo ni Marj, "oh, Andrew, this is Japhet..." pakilala niya sa akin.

"P're, Japhet..." alok ko ng pakikipagkamay sa ex ni Marjorie, tumugon naman siya. Napatingin siya sa akin, titig.

"Bakit?" tanong ni Marj kay Andrew.

Hindi na nasagot ni Andrew ang tanong ni Marj nang may yumakap mula sa likod ni Andrew.

"Baby..." tugon nito ng makita ang nasa likod, "Marj, this is Samantha..." nakipagkamay naman si Marj.

Awa ng Diyos, umalis din sila sa harapan naming dalawa. Ngayon, hindi ko na alam kung anong emosyon na ang naglalaro sa buong pagkatao ni Marj. Maya-maya, tinanong ko siya, "mahal mo pa si Andrew?"

Nilaklak muna niya ang inumin niya bago ko kinaladkad.

No comments:

Post a Comment