18 October, 2010

I Miss You Like Crazy • 15

Chapter 15 - Sweet Surprise

"Nakahanda na ang tanghalian..." high pitch na yaya ni MOM.

Bago pa man kami umupo sa hapag, kinausap muna ako ni Marj. Sinabi niya na mabait ang Daddy niya, pastor sa church nila. Si Mom, devastated Diva, parating kumakanta sa mass. Si Kuya Lino, mabait naman siya, pero minsan nag-ti-trip.

"Matutuwa si Mama kung magana mong kakainin yung niluto niya..." bulong ni Marj sa akin na katabi ko ngayon sa dining.

MATUTUWA? Bakit? Kailangan ko bang magpa-good-shot dito? Eh, wala naman kaming relasyon nito... Napangiti na lang ako nang ihain na ni MOM ang mga putahe.

"Wag ka ngang ngumiti ng ganyan... Mukha kang natatae..." bulong ni Marj.

"Marj! Kumain ka na lang..." sabi naman ni Kuya Lino na mukhang narinig ang kababuyang sinabi ng kapatid.

"Iho... You remind me so much of myself... Nasabi mo kanina nagtatrabaho ka... At the same time, nag-aaral ka pa... Marj is so lucky to have a guy like you..." papuri sa akin ni DAD.

"Dad, baka kamo, Japhet reminds Marj so much of Andrew..." pang-aasar ni Kuya Lino kay Marj.

"Pero may difference sila..." tutol naman ni Marj.

"Ofcourse, ni hindi man nga lang nakatuntong dito sa pamamahay si Andrew. Which significe he is not that confident enough for my baby..." pagtatanggol naman ni DAD kay Marj.

"Oh... Tama na yan... Kailangan kainin mo to Japhet..." bungad ni MOM sa kanyang niluto, "PRAWNS... Happy birthday Marjorie baby..."

Napatingin ako kay Marj, at bahagyang umiling. Lumapit sa akin si MOM at nilagyan ang plato ko ng dalawang malalaking HIPON, PRAWNS. Bumalik na sa kanyang upuan si MOM.

"You should try it iho..." yaya sa akin ni DAD na kainin na ang pagkain.

Bumilog ang mga mata ko, "Marj..." bulong ko.

"Bakit?! May problema?! Ayaw mo?!" pananakot sa akin ni MOM na kasalukuyang pinandidilatan ako.

"Po?!... Wala po..." takot kong sagot. Hiniwa ko ang PRAWN, tinanggal ang shell, ang mga paa, ang buntot, at tinusok ng tinidor. 

Isusubo ko na ang pagkain ng tignan ko si Marj, tumatango lang siya, utos na kainin na ang PRAWN. Tinignan ko rin si MOM, na pinandidilatan pa rin ako. Si Kuya Lino at DAD, pinapanood ako.

Wala na akong magawa... Kinain ko na ang PRAWN.

"Masarap di ba?!" sarcastic na sabi ni MOM. Ngumiti silang lahat...

"Opo..." sagot ko.

Nagtuloy lang sila sa pagkain, habang ako... Hinahabol ko na ang hangin ko...

Ilang saglit, napansin ako ni DAD, "Iho... Namumula ka... Ayos ka lang ba?" Nagtinginan muli silang lahat sa akin, nang bigla akong masamid.

Walang habas na akong umubo, hindi na ako makahinga, tumaob na ako sa aking pagkakaupo.

"Ma!? Nilason mo?!" tanong ni Kuya Lino kay MOM.

"Ano?!" sagot naman ni MOM.

"Japhet ayos ka lang ba?!" tanong naman sa akin ni Marj.

"Ano sa tingin mo Marj? Trip niya lang humiga sa sahig?" sagot naman ni Kuya.

"Tawagin niyo yung driver! Hindi na siya makahinga!" sigaw ni DAD.
................................

"Allergy po..." sabi ng Doktor, nagtinginan silang apat sa isa't-isa, "may nakain po bang kahit anong seafood ang pasyente?"

"Prawn?!" sagot ni Marj.

No comments:

Post a Comment