Chapter 20 - Not Too Late
Hikab. Subo ng pagkain. Hikab. Inom ng tubig. Hikab. Hikab. Pasimpleng pag-uunat. Hikab. Subo ng pagkain. Hikab. Hikab.
Pinapanood pala nila akong lahat.
"Natutulog pa ba yang boyfriend mo?" bulong ni Kuya Lino kay Marj.
"Para siyang yung sa iPod ko... Yung... Zombies... Kumakain din ba siya ng Brains? Sana allergic din siya sa utak..." sabi naman ni MOM.
"Marj... Dito mo na patulugin yan..." bulong ni DAD kay Marj.
Napa-'yes' naman siya nung sinabi sa kanya yon.
Napahikab ako, yung may sound na, "WHOOAAAH..."
"Japhet... How's the Menudo?" tanong ni DAD.
"Po?!... Uhm... Masarap po..." sagot ko.
"Pa!!! How could you!?" sigaw naman ni MOM na kasalukuyang humihikbi.
Nagtaka kaming lahat habang nakatingin sa kanyang pagda-drama.
"Bakit po MOM?" tanong ko sa kanya.
"Isa ka pa!!! How dare you!?" sigaw niya sa akin.
"Anong meron Ma?!" tanong ni Kuya Lino, "masarap naman yung Menudo mo ha..."
"AFRITADA YAN!!!" sigaw ni MOM.
"Talaga?! Akala ko nga Kaldereta 'to eh..." banat naman ni Marj, "Menudo-menudo kayo d'yan, Afritada pala 'to eh..."
Nag-walk-out si MOM.
"Wag mo nang pansinin yon..." sabi sa akin ni DAD, "tikman mo na lang 'tong Paksiw na Baboy..."
"PININYAHANG BABOY YAN!!!" sigaw muli ni MOM mula sa malayo.
"Nga naman... May pinya nga naman..." sabi ni Kuya Lino.
Matapos ang hapunan inihatid ako ni Marj at ni DAD sa kwartong tutulugan ko.
"O, Marj, ikaw na bahala sa kanya ha... Alam ko namang gusto niyo pang magkwentuhan..." paalam niya, "pero, iiwan kong bukas 'tong pinto ha... Alam mo naman ang Mama mo... Baka magwala yon..." pahabol niyang sabi bago lumabas ng kwarto.
"OK... You know my life na... Maybe, let's talk about yours..." bungad niya sa gusto niyang topic.
"Sige... Anong gusto mong malaman sa akin?"
"Let's start with your... Family..."
"OK... Si Tatay mangingisda, sa Pangasinan..."
"Kita mo na! Tapos allergic ka sa seafood!" tawa niya.
"Hahaha... Kaya siguro si Ate ang paborito nila Mama..."
"Ah... May Ate ka pala..."
"Yup... Si Ate Toyang."
"Ang wi-weird ng mga palayaw niyo ha... Si Mama mo?"
"Si Nanay... Guro siya dati..."
"Dati?..." nagtataka niyang tanong.
Ang tagal bago ako nakasagot, "simula kasi ng mawala si Ate..."
"Mawala?"
"Namatay si Ate dahil ano... Ahm... Sa sakit... Simula non, hindi na naging OK si Nanay..."
"Sorry ha..."
"Ano ka ba?! OK lang... Matagal na yon..."
"Anong nangyari sa Mama mo?"
"Nung una, hindi lang niya kami kinakausap, bata pa ako non, 7, kinatagalan, ginugulpi na niya ako, tapos nagwawala siya. Araw-araw... Sinako pa nga ako eh..." hindi ko napansin, tumutulo na pala ang luha ko.
Agad naman niya 'tong pinunasan.
"Tapos si Nanay... Hindi na pala siya OK talaga. Depressed sa mga nangyari... Ngayon nasa Mental Health siya sa amin..."

No comments:
Post a Comment