17 October, 2010

I Miss You Like Crazy • 14

Chapter 14 - It Comes

Nag-aayos na ako ng buhok ng may kumatok sa pinto, whom am I expecting ofcourse? Kami lang naman ni Marj ang nasa bahay.

"Ay sus ginuod!!!"
................................

Tahimik. Grabe. Akala mo nagdadasal kami, pero dilat kaming lahat, at halos matusta ako sa titig sa akin ng ama ni Marj.

Pati yung kuya ni Marj, ansama din ng tingin sa akin.

Si Marj na ang bumasag ng katahimikan, "Pa..."

"Papa!!! Nag-uwi na ang dalaga natin ng lalaki!!!" iyak ng nanay ni Marj, na siyang nakakita sa akin sa CR, "magkaka-baby na sila!"

"Ma?!" angal ni Marj.

"Baby?!" tanong ng kuya.

"Ha?!" expression ko.

"Totoo ba yon?!" sigaw naman ng tatay.

"Pa! Wala siyang damit ng makita ko siya sa kusina!" iyak muli ng nanay.

"Marj! You make out at the kitchen?!" tanong naman ng kuya.

"NO!!!" sagot naman ni Marj.

Nakakahilo sila.

Bumalik muli ang titig sa akin ng tatay ni Marj, "Anong ginagawa mo sa kusina ng walang damit?!"

Bumilog ang mga mata ko.

"Pa! Wala lang siyang t-shirt!" sagot ni Marj.

"Wala siyang t-shirt!!!" iyak muli ng nanay.

"Ma! T-shirt lang?! Kung makapag-react ka naman!!" sagot naman ng kuya.

"Dad I swear I really don't do it!" sigaw ni Marj.

"Wala bang dila yang kasama mo?!" sabi ng tatay kay Marj, sabay tingin sa akin muli, "Iho, ano bang nangyari?"

"Po?..." bungad ko, "ano po... Ahm... Po..."

"Hindi siya makasagot!!!" naglulupasay ng iyak ng nanay.

"Carmen! Manahimik ka nga!" sigaw na ng tatay. Tumigil naman siya, sa wakas. "Ituloy mo ang sasabihin mo boy."

"Ha?! Ahm... Naghihilamos lang po ako sa CR ng may kumatok... Pagbukas ko po, si Mam po yung nakita ko, nagsisigaw na siya pagkatapos.

"OA talaga 'tong si Mama..." bulong ng kuya.

"Nakita mo na Carmen!" sigaw ng ama, "anong pangalan mo Iho?"

"Ako po? Japhet po. Japhet Dela Cruz po..."

"He's a good guy dad," dugtong naman ni Marj.

"Pangalan lang tinatanong ng daddy," asar ng kuya kay Marj, "p're, Lino, kuya ni Marjorie," pakikipag-kamay niya sa akin.

"Ako ang tatay ni Marjorie," pakilala naman ng tatay, "just call me Dad."

"Po?" gulat kong tanong, 'Dad? Ibigsabihin ba non, gusto ako ng tatay ni Marj?'

"Dad daw itawag mo sa kay daddy," ulit ni Marj sa akin.

"Carmen, magpakilala ka..." utos ni DAD.

"Ah... Ako ang nanay ni Marj," pakilala naman niya sa sarili, "tawagin mo akong Mam, M-A-M."

Tinignan siya ng buong pamilya niya.

"O pala, O, M-O-M," bawi niya.

No comments:

Post a Comment