Chapter 25 - Magic Feeling
Worth it pa bang mabuhay? Nobody loves me. Nobody cares for me. At may bonus pa, may isa pang bagay na magpapaalala sa akin na wala akong kwenta, at gagawin akong walang kwenta. Dito na lang ako sa apartment ko, hindi na lang ako pupunta sa graduation ko, para ano pa? Sigurado naman akong hindi pupunta si Tatay.
Alas tres na ng hapon nang magising ako, dahil sa may tumatawag sa CP ko, si Caloy. Pinapapunta ako ng PICC, bakit hindi daw ako umattend ng rehearsals, andami daw binago. Agad naman akong kumilos para makahabol sa 4pm na Graduation.
................................
"DELA CRUZ!" tawag sa akin ng isang faculty member ng school namin, "bilisan mo! Nakapag-march na ang lahat wala ka pa sa stage!"
"Stage?!" hindi ko na nagawang magtanong pa, kinaladkad na niya ako sa entablado.
"Woooh!!!" sigaw ni Caloy, kasama ng mga kaklase ko, "CONGRATS!"
"Ano pong nangyayari?" bulong ko sa katabi ko sa entablado.
"Anong 'ano?' SUMMA CUM LAUDE ka, dapat alam mo..."
................................
Nakaakyat na lahat ng estudyante pero wala pa ring bakas ni Tatay akong nakikita.
"Dela Cruz! Get ready for your speech!" sigaw sa akin ng adviser namin nung freshman year. Doon ako nagkaroon ng pagkakataon magtanong kung paano nangyaring Summa ako.
"Nag-give-up si Daniel Marcos nung malaman niyang mas mataas ang standing ng average mo... Hindi pumayag ang council pero may lumapit sa CHED tungkol sa pagiging Summa mo..."
"Sino po?" tanong kong muli.
"Mamaya mo na itanong!"
"Ma'am! Wala akong speech!"
"Wag kang maingay! Meron na! Babasahin mo na lang!"
................................
Speech ko, kabado ako...
"Ma'am saan dito?" on mic na ako ha, hindi ko kasi makita ang speech ko, lumapit naman siya ulit at pinakita sa akin ang aking hinahanap.
"Good evening everybody. *hingangmalalim* I want to thank everyone, to those people who helped me, and to God ofcourse. But there is someone whom I want to ask something. *basa lang ako ng basa* The person I loved, and I still.
Dumilim ang paligid, pwera sa entablado, pero mula sa mga manonood, biglang may lumiwanag sa aisle. Spotlight. At hindi ako maaaring magkamali kung sino ang taong naroroon.
Nagtuloy lang ako sa pagbabasa, feeling high, hindi ko na alam ang thoughts ng binabasa ko, "I want to know straight from you," nagsimula na siyang maglakad patungo sa stage. Natigilan ako sa pagbabasa.
Nung nakarating na siya sa entablado, naghiyawan na ang mga tao.
"Ituloy mo yang binabasa mo! Pinaghirapan ko yan!" sigaw ni Marj sa akin.
Nagulat ako, basa ulit, "Marjorie Pineda, I want to ask you in Tagalog, para mas sweet. Marj mahal mo ba ako?" walang tigil na hiyawan ang bumibingi sa buong PICC, "Marj, mahal kita. And I hope, mahal mo rin ako. *sabay tingin kay Marj*"
"Nakasulat na d'yan ang gagawin mo ngayon! Wag mong sayangin ang pakikipagtalo ko sa CHED!" sigaw niyang muli.
Basa ulit, "lumapit ka... Ako? Lalapit ako..." pumunta ako sa gitna ng stage sa tabi niya.
Ngumiti siya, humawak sa kamay ko, "Mahal kita Japhet." naghiyawan muli ang mga tao.
"Ha?!" hindi ko kasi narinig.
"Mahal kita!" lumakas lalo ang hiyaw nila.
"Ano?!" hindi ko talaga marinig.
Hinalikan niya ako. Matagal. Masarap. "OK na?!"
Gumanti din ako ng halik.
................................
"Congratulations Japhet!" pakikipagkamay sa akin ni DAD. Siya nga pala ang umakyat sa stage para mag-abot sa akin ng Diploma ko, hindi si Tatay.
"O, tama na ang usap-usap, magpa-picture na tayo!!" sigaw ni Marj.
May inabot na kahon sa akin si MOM, "Straight from Europe pa yan... Wala sa kasi niyan dito sa Pinas..."
"Apeng!" may sumigaw mula sa kumpol ng mga tao, si Tatay. Tumakbo ako at niyakap siya, inabot ang diploma at nagpa-picture. Pinakilala ko siya sa pamilya ni Marj.
"Mabuti pa umuwi na tayo! Nagluto si Mom!" suggestion naman ni Kuya Lino.
"At! Menudo na talaga ang niluto ko!" pagmamalaki ni MOM.
"Baka lasang AFRITADA naman yan ha!!" sigaw naman ulit ni Kuya Lino. Puro biruan na.
Sana hanggang dito na lang. Sana wala ng bukas. Sana umayon na sa akin ang lahat parati.
Napatingin ako kay Marj, ngumiti. Yumakap, "sana ganito na lang palagi."
Sumagot siya, "Bakit hindi?"
No comments:
Post a Comment