Chapter 29 - Chance of Love
EDSA - Taft Avenue Station, MRT.
"Oo na kuya! Kumpleto na lahat ng papeles ko! Syempre naman... Ngayon ko pa ba ipapalpak 'to? Oo na nga, after ko sa POEA dideretso na ako ng Trinoma... Magkikita kami ni Apple," pakikipag-usap ni Marj kay Kuya Lino sa Cellphone, "O, heto na yung tren. Ako nang bahala! Malaki na ako! Bye..." napahingang malalim siya.
Graduate na siya ng Dentistry, at nagbabalak ng mag-ibang-bansa. Tatlong taon pagkatapos mawala ni Japhet, sinusunod niya ang gusto nito. 'Polaris, never lose direction.'
Tumigil na ang tren at bumukas na ang pinto, naglabasan ang maraming tao at mula doon natanaw niya si Japhet, masaya, masigla. May binuhat itong batang babae, na nasa 2 taong gulang. Parehas silang nakangiti. Pinasan niya ito sa kanyang balikat, nakaupo ang bata sa balikat ng lalaki.
Hindi malaman ni Marjorie kung anong emosyon ang nadarama niya, "Japhet!" tawag niya rito. Napakaraming tao, siksikan sa may hagdan siguro nasa panglimang hakbang na sila, humahabol si Marj, "Jaf!! Jaf!!"
Nakaakyat na ang lalaki, nakasunod naman siya, "Apeng!!!"
Napalingon ang lalaki, "Marj!" lumapit ito sa kanya at yumakap, "kamusta ka na? I never heard of you ever since you dumped me over... I'm sorry... I forgot his name..."
"Japhet..." sagot ni Marj kay Andrew, "anak mo?" tukoy niya sa bata.
"No!" tawa niya, "panganay 'to ni Ate." sagot naman niya, "Uhm... We got to go na ha, may hinahabol kasi kami..." paalam nito bago tuluyang umalis.
Through the years, hindi siya naging malungkot simula ng mawala si Japhet, pero hindi rin naman siya naging masaya pa.
................................
POEA,
Hinanapan siya ng ID ng guard bago pinapasok, "Alas diyes na! 9 ang appointment ko..." sabi ni Marj sa sarili habang nagmamadaling naglalakad sa loob ng opisina ng POEA, ng tamaan siya ng pahabang maleta ng isang lalaki. Nabitiwan ni Marj ang envelop niya at ang kanyang ID, "ARAY!"
"Miss... I'm sorry..." pasensya ng lalaki, kumalat din ang laman ng maleta ng lalaki, mga balak na tubo.
"Hay! Ansakit! Kapag minalas ka talaga oh!" sigaw niya habang dinadampot lahat ng gamit niya. Agad siyang tumayo pagkatapos at tumakbo.
"Ay Ms. Marjorie Pineda, mali po kayo ng pinasukang Entrance, sa kabilang wing po yung appointment niyo..." sabi ng Staff ng POEA kay Marj.
"Maling direksyon na naman..."
................................
"Alfonso!" sigaw ni Marj sa CP habang nasa MRT, kausap si Apple, "papunta na ako!" sabay baba kaagad.
Hinanap niya ang papel na ibinigay sa kanya ng POEA, endorsement niya patungong New Zealand, doon niya balak magtrabaho. Pero iba ang nahanap niya. May card siyang nakasilid sa envelop niya, Company ID, "siya yung bumangga sa akin kanina... Ta-tanga-tanga talaga... Pero may itsura... Siguro mga 24 years old lang 'to," binasa niya ang pangalan nito, "Justin De Castro, Administrative Director..." Agad niyang dinial ang numero ng lalaki na naka-indicate sa ID at tinawagan ito.
"Oh... Sorry pala kanina ha..." sagot ng lalaki pagkatapos magpakilala ni Marj.
"I have your ID, I'm at Trinoma by 6pm..." sabi naman ni Marj.
"Good... Meet me at SM North EDSA Skydome..." utos naman ng lalaki. Hindi na nakapalag si Marj.
"Hello... Apple? Let's meet some other time..." pagcancel naman niya sa lakad nila ni Alfonso.
................................
"Buti nakita mo ako..." bungad ni Justin kay Marj.
"Well, ikaw lang naman ang may ganyang bagay dito... It's very impossible na hindi kita mapansin," turo ni Marj sa teleskopyo ng lalaki.
"Wanna try?"
"Sure." agad siyang sumilip at nakita ang bituin kung saan naka-focus ang lente ng telescope, "ang liwanag..."
"Yes, at kung mapapansin mo, may kalapit pa yang dalawa pang stars. Group of stars."
"Ah..."
"Tulo na laway mo..." pang-aasar ni Justin.
Napatigil si Marj, at tinignan ang lalaki.
Ngumiti ito kay Marj at itinuro ang kamay sa bituin sa langit, ang bituin na kanyang pinakita, "Yan ang Polaris..."
Natulala si Marj.
"Maiba ako... Nasa POEA ka kanina... Mag-a-abroad ka?" tanong ni Justin kay Marj.
Tumingala siya sa langit, tinanaw ang Polaris at sumagot, "Hindi na."
No comments:
Post a Comment