Chapter 21 - So Good
"So... 8 years old ka ng ipaalaga ka ng tatay mo sa tiyahin mo?" tanong sa akin ni Marj.
"Umuuwi din naman ako minsan... Nangangamusta..."
"Minsan?! Andun ang family mo?!"
"Hindi nga ako maalagaan ni tatay dahil nga sa allergy ko... Anong ipapakain niya sa akin?! Buhangin?!"
"Off mo bukas di ba?"
Tumango ako, "bakit?"
"Tama ako ng sinabi kayla Daddy..."
Napakunot-noo ako.
"Kasi... Golf bukas namin... Gusto ni Daddy... Kasama ka..."
Tumindi lalo ang pagkakunot-noo ko.
Ang bilis, na-spike (volleyball) na niya ang noo ko. Sabay layo sa akin. Nahawakan ko ang mga kamay niya kaya gumanti ako ng matitinding pitik. Tawanan na ang nangyari pagkatapos.
"Sige na... Gabi na..." tumayo na siya at humalik sa pisngi ko. Nagsimula na siyang maglakad papunta sa pinto.
"Tayo na ba?" pahabol kong tanong sa kanya.
Lumingon siya at kumapit sa door knob, "Hindi!!" sigaw niya sabay labas at sarado ng pinto.
Wala pang dalawang segundo, bumukas muli ang pinto, "Mabagal ka kasi!" sigaw niyang muli sabay sara.
................................
Mga bandang 11pm, kalagitnaan ng tulog ko, nakaramdam ako ng uhaw. Tahimik akong bumaba sa kusina, para syempre uminom ng tubig.
Pero bago ko pa man marating ang kusina, may naririnig na akong kumakain, alam mo yon? Yung tunog ng plato kapag tinatamaan ng kutsara.
OK lang sana kung tao ang nakita kong kumakain... Pero HINDI... Na OO. Pero that time, mukhang HINDI.
"Whoooah..." reaction ko matapos makita ang kumakain.
"Ngayon ka lang ba nakakita ng taong kumakain?!" mapang-asar na sabi ni MOM na kasalukuyang kulay puti ang mukha dahil sa Facial Mask.
"Sorry po..."
Tumango naman siya, "nauuhaw ka?!"
"Opo..."
"Hay... Ganyan din si Lino... Kaya may ref siya sa kwarto niya eh... Parating bumababa dito para uminom ng tubig..." sabi niya habang pinagsasalin ako ng tubig sa baso, "maupo ka..."
Umupo naman ako sa tapat niya, sa kitchen table siya kumakain.
"Alam kong mabait kang bata."
Sa loob-loob ko, parang ayokong maniwala.
"Bilib na bilib sayo ang asawa kong si Fred..."
Tahimik lang akong nakikinig sa kanya.
"Pagpasensyahan mo na yung nakaraang pinakain kita ng Prawn..."
"Wala na po yon Nay..."
Napatingin siya sa akin.
"Mom po pala..." ngiti kong bawi.
"Si Marj... Suwail yon..."
'Sobra,' bulong ko sa sarili.
"Nakikita kong... Bumubuti ang ugali niya ka-kasama sayo... I just hope... Mahalin niyo lang ang isa't-isa..."
Ninamnam ko muna ang sinabi niya bago ako sumagot, "opo..."
"Pero ayoko pa ng APO ha!! Mga bata pa kayo!!"
................................
Sa Golf ng Daddy ni Marj,
"OK Japhet... Let me teach you..." paanyaya sa akin ni DAD.
Lumapit naman ako. Itinuro ang mga basic, aim, swing, backswing, drive, lahat siguro ng terms na hindi naman talaga nag-sink-in sa utak ko. Madali lang naman ang Golf, hahatawin mo lang ang bola gamit ang club.
Unang subok. Aim. Swing. Backswing, "Ano pong tawag kapag hinataw ko na?!"
Natawa si Marj.
"Initial shot," sabi naman ni Kuya Lino.
"FIRE!" sigaw ko.
Ilang sandali lang... Bumagsak kami sa kakatawa.
"Hahaha..." walang tigil na tawa ni DAD sabay hawak sa balikat ko.
"Hahaha!! Iho... Yung bola ang ishu-shoot sa hole! Hindi yung CLUB!"
NABITIWAN ko yung panghataw.
Nang humupa na ang tawanan, "May suggestion akong ibang gagawin... Hindi katulad ng Golf na kailangan ng mahabaang practice..."

No comments:
Post a Comment