Chapter 28 - Make It Through
As time goes by, the numbness kills my body.
Sumama ang buong pamilya ni Marj sa Pangasinan, nakakatuwang isipin, wala pang isang taon simula ng makilala namin ang isa't-isa pero pamilya na ang turing nila sa akin. And that makes me feel awkward for leaving them.
"Tao ba 'to?" tanong ni Marj, nag-pi-Pinoy-Henyo kaming pamilya.
Umiling ako.
"Bagay?!"
Iling.
"Lugar?!"
Iling.
"Pagkaen?!"
Tumango ako.
"Pagkaen... Ok... Ulam?!"
Tango.
"Prito?!"
Iling.
"Niloloko niyo ako ha!" pagmamaktol ni MOM.
"Si Mama spoiler!" sigaw ni Kuya Lino.
"MENUDO!!!" sigaw ni Marj. Nagtawanan na silang lahat. Gusto ko din tumawa, sana kaya ko.
Napansin marahil ako ni Marj kaya itinulak niya ako palabas. Takipsilim na, at makikita ito sa harap ng dalampasigan.
Gamit ang CP na ni-regalo sa akin ni MOM, nagtype ako sa screen ng, "tabing dagat"
Dahan-dahan akong itinulak pa ni Marj malapit sa dagat para hindi lumubog ang gulong ng wheelchair sa buhangin.
Sabay kaming lumanghap ng sariwang hangin. Malamig ang gabi, hindi ko nadarama pero nakikita ko kay Marj, "yakap?" tanong kong muli sa kanya gamit ang CP, sabay ngiti sa kanya.
Niyakap niya ako.
"Si tatay, usap ko." text kong muli.
"Tatawagin ko lang ha... Antayin mo lang..." sagot naman niya sabay alis.
Dumating si Tatay, humawak sa balikat ko, hindi ko yon naramdaman, pero parang na rin nung makita ko nang hawak niya ako, nagsimula siyang magsalita, "nung nagkasakit ang Ate Toyang mo, hindi namin alam ng Nanay mo kung anong gagawin namin, lalo na nung malaman naming walang lunas ang sakit niya," nagsimula na siyang umiyak, "napakahirap... Ang hirap panoorin ang anak mo na unti-unting kinukuha mula sayo... Na kahit anong higpit ng hawak mo sa kamay niya, babawiin din siya sayo... Patawarin mo ako Apeng... Patawarin mo kami ng Nanay mo... Ako, lalo... Ang aga noong binitiwan kita, napakabata mo pa... Noong ibigay kita sa tita mo... Natakot ako... Natakot ako noong sinabi sa amin ng doktor na posibleng may sakit ka rin, dalawa sa magiging tatlong anak... Magkakasakit... Kaya... Hindi ko kaya kung sakaling iiwan mo rin ako..."
": ) masaya akong kayo ang naging tatay ko."
Niyakap niya ako, "bata ka pa! Ang bata mo pa... Napakarami pang bagay ang dapat na matikman mo... Sana ako na lang... Sana ako na lang ang nakaupo d'yan..." walang tigil na umaagos ang luha sa aming mga mata.
"tay hindi ako nagsisi na kayo ang tatay ko. Pinapasalamat ko po."
"Japhet..." tawag sa akin ni Kuya Lino, "kailangan mo nang matulog..."
Binuhat ako ni Tatay, kahit hindi ko nadarama, masarap na makita, na habang hindi pa huli, nayayakap ko ang Tatay ko.
................................
Kinabukasan binisita namin si Nanay. Pagkalabas na pagkalabas pa lang niya, niyakap na niya ako kaagad. Umiiyak.
Hindi namin alam kung bakit o paano, pero tila alam niya kung ano ang nangyayari.
"May sakit ka rin? Ganyan din si Toyang noon..." nakikipag-usap siya sa akin, napakarami kong gustong sabihin, napakarami kong gustong isumbong sa kanya, na manhid ang paa ko, ang kamay ko, ang buong katawan ko, gustong-gusto kong magsalita, luha na lang ang naisagot ko sa kanya. Pinunasan naman niya ito at niyakap ako.
"Nay..." nakapagsalita ako, narinig nilang lahat, pero wala ng lumabas na tinig sa akin pagkatapos noon.
................................
Nakahiga kaming pareho sa kama ko.
"alam mo na kung nasaan ang polaris?" text ko kay Marj.
"North," sagot niya.
"wag mo un kakalimutan."
"Opo..." mabait niyang sagot."
"never lose direction" pumikit na ako.
................................
Video...
"Hi po... Unang-una po sa lahat... Marami pong salamat kay MOM dito sa ni-regalo niyang CP... I'm using it right now *chuckles* ok, Tay... Uhm... Na kay Marj yung pera ko... At sayo na yon ngayon... Magsimula na lang sana kayo ng business... And DAD talk to me about that kaya... Kayo na po ni Dad ang mag-usap... Kuya Lino... Maraming salamat sa pagtitiwala sa akin, but, I'm very sorry... I can't live with Marj forever, so sinu-surrender ko ulit sayo yang sadista mong kapatid... MOM... Masarap ka magluto... PROMISE! Kahit yung PRAWN na pinakain mo sa akin na pinandilatan mo pa ako... Napakasarap! Tay ulit... Si nanay po ha... Kayo na po sanang bahala sa kanya, nakausap ko na po si Kuya Lino tungkol sa paglipat ni Nanay ng ospital kung sakaling pupunta ka na rin ng Maynila para sa negosyo niyo ni DAD... Marj. *ngiti* uhm... May dapat ba akong sabihin? Basta marunong ka na ha! North at south. Pagtawid... Marj... I love you... Pero ayokong itali ka sa akin... After I die, gusto ko magmahal ka ulit, gusto kong maging masaya ka... Be married... Have kids... Be a good mother... Pero sana... Wag mo akong kalimutan... Kasi ikamamatay ko yon... Magkakaroon ng double-dead sa heaven sige ka... *chuckles* mahal na mahal kita, and don't worry, you wont have another 'Andrew,' I'll send you the best for you, wag mong kakalimutan... Ako ang magiging Polaris mo."
End of Video.
................................
Nagpaiwan ako sa tabi ni Ate, ayokong iwan siyang mag-isa dito sa Pangasinan.
No comments:
Post a Comment