18 October, 2010

I Miss You Like Crazy • 16

Chapter 16 - Seeing's Believing

Kinagabihan, nagpaiwan si Marj para bantayan ako.

"Alam mo? Dalawang araw pa lang tayong magkasama... At... Dahil sayo... Nabura lahat ng mga nakaraan kong mga araw na malungkot ako... Nakakatawa ka!" saglit, napangiti si Marj, naaaninag ko ang mukha niya, ang ngiti niya, "kinain mo pa rin yung prawns, alam mo naman palang bawal sayo yon..."

Out of the blue, sumagot ako, "tinitigan niyo akong lahat eh..."

"Gising ka pala eh! Bakit ba nakatalukbong ka ng kumot?!" pilit niyang tinatanggal ang kumot.

"Wag!!!"

"Ang arte-arte mo! Bakit ba?"

"Panget ako!!!"

"Anong panget?! Eh gwapo ka nga!!" nakikipag-agawan pa rin siya sa kumot.

"Panget ako ngayon!!!"

Nagwagi siya, natanggal niya ang kumot na nagkukubli sa namamaga kong mukha.

Napangiti siya, pinipigil ang tawa.

"Sabi ko sayo eh... Ang panget-panget ko ngayon eh..."

Pigil pa rin ang tawa, nagsimula siyang magsalita, "salamat ha..."

"Salamat?"

"Wala lang... Kasi... Out from nowhere, bigla akong sumulpot sa buhay mo."

Napangiti ako, nawala na ang bakas ng kahihiyan sa mukha.

"Na kahit... Panggulo lang ako sa buhay mo... Hindi mo ako pinababayaan..."

"May bayad yon..."

"Ha?!"

"Sweldo ko? Absent ako ngayon sa trabaho di ba?"

Ngumiti siya, at tumawa, "sorry ha... Hindi ko mapigilan eh... Hahaha..."

"Ang yabang mo! Paiinumin kita ng gatas sa susunod!"

"Subukan mo lang! Pamamagain ko sa sapak yang mukha mo!"
................................

Sa Trinoma branch ng Mister Donut,

"Hi Japhet..."

Nakatungo ako sa ilalim ng shelves namin, na naging dahilan ng pagkakabukol ko, narinig lang boses ni Marj halos tumindig lahat sa akin.

"Marj..." bungad ko sa kanya.

"May iaalok sana ako sayo eh..."

"Pagkain ba yan?! Wag lang hipon ha! Palalaklakin kita ng gatas dito..."

"G*go! Raket... 2k din yun..."

"Talaga? Tamang-tama, malapit na term exams... Kailangan ko nang bayaran yung balance ko. Anong raket?"

"Uupo ka lang..."

Napakunot-noo ako, "uupo?"

"Oo... Uupo..."
................................

Sa school niya sa Magallanes,

"Hindi kasi makakarating yung dapat na gagawa ng trabaho..." sabi ni Marj.

"Ano bang raket 'to?"

"Uupo ka nga lang..."

Makalipas ang apat na oras, "Oh..." alok sa akin ni Marj ng ice cream.

Kinuha ko naman ito, nang padabog.

"Ang arte nito..." pang-aasar niya sa akin.

"Nakanganga ako ng tatlo't kalahating oras!!!"

"Malamang!!! Paano ka masusukatan ng braces kung nakatikom ang bibig mo?!"

"Pinag-practice-an niyo ako!!!"

"Ay sus... May bayad naman eh..." sabay abot sa akin ng dalawang libo.

"Mayayaman talaga nag-aaral dito 'no?"

Tahimik lang siya.

"Hay... 1.5k pa..."

"1.5k?"

"Ah... Nagpadala kasi ako kay papa ng pera sa Pangasinan."

"Allergic ka sa seafood, eh doon nga marami n'on."

Natawa lang ako.

"Heto 1.5k oh..." kuha niya ng pera sa wallet sabay abot sa akin.

"Hindi na... May sweldo naman na next week..."

"Next week pa yon... Sa susunod na araw na exam mo."

Napahinga ako ng malalim.

"O sige ganito, utang na lang 'to." alok niya, pinahawak na niya sa akin.

"Ok..." tango ko.

"Pero wag mo nang bayaran..." ngiti niyang muli.

No comments:

Post a Comment