19 October, 2010

I Miss You Like Crazy • 17

Chapter 17 - Worth the Wait

"Andito ako sa Araneta..." sabi ko kay Marj via phone call.

"OK... Eh di kita na lang tayo after ng shift mo... Niyaya ka ni Carl eh..."

"Si Carl pa ginamit mo... Eh alam ko namang gustong-gusto mo akong nakikita..."

"Ang kapal nito!!! Alam mo din bang anlakas ng tama sayo ni Carl? Gustong-gusto ka nga niyang solohin nung sinusukatan ka ng braces..."

"Hmmmm... Ano palang meron? Bakit may night out?"

"Pasado kasi kami sa practicum na yon... Since you're part of the success... Gusto ka nilang kasama..."

"Oo nga papa Japhet!" sigaw ni Carl na malamang ay katabi lang ni Marj.

Napangiti na lang ako, "saan?"

"Antayin mo na lang kami d'yan..."

"See yah..." dagdag pa ni Carl.

Hinihintay ko na sila sa meet-up namin ng sinimulan kong kausapin ang sarili ko. 2 months na kaming ganito ni Marj, masaya. As day goes by lalo ko siyang nakikilala, lalo ko siyang nagugustuhan.

"P're..." may tumawag sa akin mula sa likod. Si Andrew, "sorry ha... Nakalimutan ko yung pangalan mo..."

"Japhet," sagot ko naman.

"Ok lang ba kung yayain kitang kumain? O mag-kape? May gusto sana akong sabihin."

Sumama naman ako sa kanya, uto-uto talaga siguro ako, pero isang oras pa naman bago sila dumating.

"Kayo na ba ni Marj?" tanong niya sa akin pagkaabot niya sa akin ng kape.

Napaisip ako, 'kami nga ba ni Marj?'

Napangiti siya, "Uhm... I..." natigilan siya saglit, "I still have feelings for Marjorie..."

"Ay girl..." may nagsalita naman sa likod namin ni Andrew, napalingon kaming dalawa, "si Past saka si Present..." sabi ni Carl kay Marj.

"Marj..." sabi ni Andrew.

Napatingin saglit si Marjorie kay Andrew, pero binawi niya rin ang tinging iyon, inabot niya ang kamay niya sa akin, "Jaf..."

Napatingin si Andrew sa kamay namin ni Marj. Tahimik. Umiikot ang tingin namin sa aming tatlo.

Biglang tumunog ang CP ni Carl, "Bea... O... Sige malapit na kami..." binaba na niya, "andoon na daw si Bea..."

"We have to go..." sabi ni Marj kay Andrew, kinaladkad na niya ako.

"Marj..." tawag ni Andrew, lumingon ako, pati si Carl, pero hindi si Marj, "I'm trying to reach you... Pero unattended lagi phone mo..."

"Tara na!" sigaw ni Marj.

No comments:

Post a Comment