11 October, 2010

I Miss You Like Crazy • 12

Chapter 12 - The Love

"Ah... Bawal ka nang gatas..." sabi ko sa kanya, "kaya pala alak ang nilalaklak mo..."

Kinutusan niya ako, "maupo ka na lang d'yan, babayaran ko na lang itong mga 'to."

Maamo naman akong umupo, maya-maya sumakay kami ng taxi. Pero may isa pa akong nalaman sa kanya...

"WAG MO KONG IWAN DITO!!!" sigaw niya sa akin pagkatawid ko.

"Siraulo ka ba? Eh di tumawid ka!"

"Tarantado ka! Hindi ako marunong tumawid!"

WATDAPAK? "Bente anyos ka na!!! Hindi ka pa marunong tumawid?"

"Kapag inabutan kita d'yan ISANG LIBONG KUTOS ang aabutin mo sa akin!"

"Kung ganun din lang... Bakit pa kita itatawid dito?!" kakaiba talaga siya. And that what makes her so much special to me. Hulaan mo na lang kung paano siya nakatawid. Clue: basta hindi talaga siya tumawid, at yon din ang naging paraan para makarating kami sa kanila.

"Nasa church pa sila papa, 2pm pa uwi nila..." sabi niya sa akin pagkalapit namin sa isang malaking gate, sapat na para hindi mo makita ang laman sa loob.

Biglang bumukas ang maliit na pinto sa gilid ng malaking gate, "Good morning Ma'am..." bati ng guwardiya kay Marj, "Good morning Sir..."

"Apeng... Ito pala si Japhet, tandaan niyo na mukha niya, madalas na siyang pupunta dito," utos niya sa guard.

Napakunot-noo akong muli...

"Kaya ayoko sa palayaw mo!" pabulong niyang sigaw sa tenga ko.

Pagkapasok namin sa loob, pinakita niya sa akin ang litrato ng buong pamilya niya, Papa niya na hindi niya kamukha, Mama niya na ganun din, pero bumawi naman sa kuya.

"Si kuya Lino," pakilala niya sa akin, "ayaw niya kay Andrew, ewan ko lang sayo, hindi naman siguro itsura ni Andrew ang ayaw niya..."

"Ah... Bakit nga pala kayo naghiwalay ni Andrew?"

"Ang alam nila Papa, ako ang nakipaghiwalay..."

"... Ano naman sa pagkakaalam mo?"

"Yun lang dapat mong malaman."

Natahimik na lang ako, naglibot ng mga mata na tila magnanakaw.

"Nakalimutan kitang dalhin sa derma kahapon, tapos wala pang nose pack... Kaya... Gagawa tayo..."

Kumuha siya ng maliit na plastic container, binuksan ang gatas at kumuha ng isang kutsara mula dito, hinalungkat pa ang mga pinamili, inilabas ang isang paketeng gelatin mix at kumuha din ng isang kutsara mula dito. Hinalo ang kadiring ginagawa at inilagay sa microwave, sinet sa 5 seconds at...

No comments:

Post a Comment