Chapter 23 - Starting
"Mahal kita Marj!!!" makabasag tengang sigaw ko sa Araneta Center-Cubao Station ng MRT. Nakadungaw sa harap ng Araneta Coliseum, doon natatanaw ko ang Bar na parati naming tinatambayan.
Wala akong pakealam kung panoorin ako ng lahat o ng kahit na sino. Nabaliktad na ang mga pangyayari. Hindi ako naglasing, may shift ako.
Naputol ang kadramahan ko ng may tumawag sa CP ko, si Boyet, Jr. ko, nagkaproblema daw sa delivery namin, kailangan ko ng puntahan.
"Whoooh..." nagkondisyon muna ako bago pumasok ng tren.
Nakakatawang isipin, na nakakalungkot, na nakakainis, kasakay ko uli ngayon yung dalawang Madre, this time, hindi na ako gumulong sa harap nila. Paupo na ako ng mabitawan ko ang ticket ko, pero nung dadamputin ko na ito, hindi ko 'to makuha, parang inilalampaso ko sa sahig ang ticket. May lumapit sa aking bata at siya ang pumulot nito, walang kahirap-hirap. Doon ko napansin, hindi ko talaga dinadampot ang ticket, hindi ko siya mahawakan.
................................
"Muscular Dystrophy," bungad sa akin ng doktor habang inilalatag sa harap ko ang limang-libong binayaran ko para sa laboratory, natulungan naman ako ng healthcard ng company, 13k dapat ang babayaran ko.
"Ano po yon?" tanong ko sa kanya.
"Isa 'tong disease na unti-unting nagpapahina sa mga muscle ng meron nito. Sa una, hindi siya kapansin-pansin, katagalan nakakaranas na ng numb (yung ticket na hindi madampot), ma-a-out-of-balance (paggulong sa MRT), walang grip sa mga hinahawakan (pagkabitaw sa golf club)."
"Malala po ba yon?"
"Ngayon... Hindi pa. Pero degenerative ang sakit na yan... Progressive. Lumalala."
"Paanong nagkaroon ako nito?"
"Genetic. Lahi. Either may history ang family mo na ganito..."
"Wala naman pong may sakit sa amin."
"Or... Hindi compatible ang genes ng magulang mo... May kapatid ka ba?"
"Ate."
"Asan siya? Normal ba siya?"
"Patay na siya..."
"Bakit?"
"Hindi ko po alam..."
Umuwi ako bitbit ang lahat ng sinabi ng doktor...
"Myotonic Muscular Dystrophy. On the late stages, hindi na makakapagsalita, makakatayo... Sa modern medicine, wala pang gumagaling sa sakit na ito. At wala ring gamot para dito. Therapy... You can go under therapy... But that doesn't mean gagaling ka... Pababagalin lang nito ang paglala ng sakit mo..."
Parang panaginip. Masamang panaginip.
"Mabilis ang progress ng kaso mo... Siguro less than a year." sabi ng doktor.
"Hindi naman po ito nakamamatay?"
"Normally... Hindi nakakamatay ang dystrophy, only if it affects the heart, heart is a muscle."
Gusto ko sanang sabihin kay Marj. Pero, wag na lang.
................................
"Anton... Magli-leave ako ng 3 days start bukas ha..." paalam ko.
"Ay sige... Graduation mo na sa susunod na araw di ba? Ano? Summa?"
"Sira... Hindi ako qualified kasi irregular student ako... Susunduin ko si tatay sa Pangasinan..."
"Ang tanong... Sasama kaya si Tatay?"
No comments:
Post a Comment