16 October, 2010

I Miss You Like Crazy • 13

Chapter 13 - In Your Eyes

"Mainit!!!"

"Ang arte mo!" gigil niyang sabi habang dinidiinan pa ang paglalagay ng kung ano man ang ginawa niya, sa ilong ko, "ayan... Palalamigin na lang yan..." sabay ngiti sa akin.

"Alam mo... Maganda ka..."

"Alam ko yon..."

"Hmmmm... So... Hindi kuntento si Andrew sa kagandahan mo???"

"Wag ka ngang umasta na parang alam mo na lahat ng bagay sa akin, kasi alam kong alam mong hindi."

"Paano ko naman malalaman kung hindi mo naman sinasabi?"

"Wala naman akong dapat sabihin sayo eh..." sabay alis, "kukuha lang ako ng damit sa taas..."

Makalipas ang halos sampung minuto, bumaba na siya, wala na sa aura niya na mainit pa ang ulo niya, "nakalimutan na natin yang nasa ilong mo..."

Dahan-dahan, tinanggal niya ang natuyong bagay sa ilong ko.

"Hahaha... Namumula ilong mo! Hahaha..." tawa niya.

Yumuko ako.

"Nagtampo naman kaagad..." inangat niya muli ang mukha ko at hinalikan ang ilong ko.

"Ano bang meron tayo?" tanong ko sa kanya.

"Tayo?"

"Ano ba 'tong ginagawa natin? Anong relasyon natin?"

Saglit, tumahimik siya, "actually... Ayoko muna nang commitment, I'm just enjoying kung anong nangyayari sa atin..."

"OK..." yun na lang naman ang masasabi ko.

"Maghilamos ka na sa CR, may pinto d'yan pagkalampas mo sa sink, ihahatid ko na lang yung susuotin mo..."

Natunton ko naman ang CR, hinahayaan kong umagos ang tubig sa aking kamay, pinupuno ang sink. Sinimulan kong idampi ang malamig na tubig sa aking mukha. Huminga ng malalim at inilubog ang ulo sa lababo.

Naalala ko, wala akong tuwalya, inahon ko ang ulo ko at hinubad ang t-shirt, instant towel.

No comments:

Post a Comment