24 October, 2010

I Miss You Like Crazy • 26

Chapter 26 - Hold on Tight

"Kanina mo pa hawak kamay ko ha?! Nana-nantsing ka lang eh!" pang-aasar ko kay Marj.

Bumitaw siya at ginamit ang kamay para kutusan ako, "ang kapal nito!"

Tumingin ako sa mga mata niya. "I want to live with you forever."

"I will," sagot niya. Pero ambigat ng sumunod niyang sinabi, "hindi na kita pakakawalan. You're a lot to lose," sabay halik.

"If only I could, I would."

Nagtaka siya. Pero hindi na niya nagawang magtanong ng tawagin na kami sa loob para kumain.

"Cheers!!!"

Niyakap ako ni Tatay, "proud na proud ako sayo!"

"Salamat po..."
................................

Nagtayo kami ni Marj ng tent sa garden nila, nagpaalam kaming doon matutulog. Pero bago matulog, naglatag muna kami ng sapin sa damuhan at doon, humiga habang pinapanood ang langit.

"Close na kaagad sila Daddy ko at Papa mo ha..." sabi sa akin ni Marj.

Napangiti ako, "maiba ako, si Andrew?"

"Iniwan ko."

"Huh?!"

"Wag mo nang itanong, basta ang mahalaga... Mahal kita, at mahal mo ako," sabay yakap sa akin.

"Polaris."

"Saan?" usisa niya.

"Ayun oh... Sa north. Yung pinakamaliwanag..."

"Wow..." mangha niyang sabi na tila isang bata.

"Tapos... Yung mga katabi niya. Yun... Yung pito, tatlong magkakasunod tapos apat na hugis square, Ursa Minor, Little Dipper..."

"Wow..."

"Tulo na laway mo! Hahaha!"

Nagwrestling kami.

"OK tama na..." awat ko, "kaya kapag sasakay ka ng MRT, hanapin mo muna yan. Para hindi ka na aakyat sa North Bound."

"Hindi naman na ako aakyat doon eh..."

Napakunot ang noo ko.

"Kasi palagi naman na tayong magkasama."

Natahimik ako.

"Saka... Isipin mo nga... Kung sakaling alam ko yan noon pa eh di hindi tayo nagkakilala... Mabuti ng hindi ko na pag-aralan yan... I'm lucky to have you..."

Hinalikan ko siya. Pagkatapos, "meron kang dapat malaman..." naalala ko ang sakit ko.

"Ops... Teka lang... Kailangan buksan mo na ito..." sabay abot sa akin ng kahon na ibinigay sa akin ni MOM sa PICC.

Binuksan ko ito, at doon, laman ay Cellphone, smartphone. Maganda.

"Si Mom talaga nakaisip na iyan ang ibigay sayo... Since business man ka na daw... Business phone na ang kailangan mo..."

Ewan ko, gusto kong matuwa, pilit ang mga ngiti ko. Touchscreen ang CP, tila ba nang-aasar. Nag-flashback ang sinabi sa akin ng doktor, "mawawalan ng grip," ang sinabi ni Tatay, "hindi na nakakapagsulat."

Nginitian ko si Marj at nagpasalamat.

"Ano yung sasabihin mo?" tanong naman niya sa akin.

"Ah... Wala yon... May itatanong na lang ako sa iyo... Paano kung... Hindi na kita mahahawakan?"

"Ano bang klaseng tanong yan? Para ka talagang tanga!"

"Hindi nga! Seryoso ako..."

"Eh di ako ang hahawak sayo..."

Bahagya akong napangiti.

"Niloloko mo ko ha! Sige! Gaguhan mode tayo!"

"Seryoso ako 'no! Paano naman kung... Hindi na ako makatayo?"

"Eh di aalalayan kita! Siraulo ka talaga!"

"Eh paano naman kung hindi na ako makapagsalita?"

Nawala na ang ngiti sa mga labi niya, "Japhet may problema ba?"
................................

"Kuya!!! Kuya!!!" nagwawalang sigaw ni Marj.

"Marjorie! Bakit? May shift ang kuya mo ngayon sa ospital. Bakit ka umiiyak?" tanong ni DAD sa kanya kasama si MOM. Lumabas din si Tatay sa kwartong tinutulugan niya.

"Marj wag..." bulong ko sa kanya.

"Anong 'WAG?' Japhet!" umiiyak na siya. Nilapitan na siya ni MOM at inakap.

"Apeng ano bang nangyayari? Bakit humahagulgol si Marj sa iyak?" tanong naman ng Tatay sa akin.

"Wala po yon... May hindi lang po kami napagkasunduan..."

Bumitaw si Marj sa yakap ni MOM, "Jaf! Ano ba! Bakit ka ba ganyan?!" humarap siya kay tatay, "Tay! Si Japhet po..."

"MARJORIE!" sigaw ko.

Lumingon siya sa akin at lumapit, "kelan mo pa sasabihin?! Kapag hindi ka na makahawak?! Kapag hindi ka na makatayo?! Kapag hindi ka na makapagsalita?!"

No comments:

Post a Comment