02 October, 2010

I Miss You Like Crazy • 8

Chapter 8 - I Try to Deny

"Ano pang tinatayo-tayo mo d'yan? Tara na!" sigaw niya pagkababa niya ng telepono. Paakyat na kami ng second floor ng maisipan kong mag-usisa.

"Ano bang ginagawa mo?" tanong ko.

"Naglalakad."

Impakatang pilosopo 'to ha... "ibig kong sabihin, ano 'tong ginagawa mo sa akin?"

Nagpatuloy lang siya sa paglakad. Pumasok kami sa isang coffee shop at doon may pinakilala siya sa akin, "tara na..."

Ngayon tatlo na kaming naglalakad ng sama-sama, hindi ko na talaga alam kung anong ginagawa ko, sumusunod lang ako sa kanila na parang asong maamo.

Pumasok naman kami ngayon sa isang shop, nag-usap silang dalawa, habang ako'y abalang nagtitingin ng magagandang pang-porma at napapamura sa mga presyo nila.

Halatang-halata, na ako ang pinag-uusapan nila kahit nag-iikot na sila sa buong boutique. Titingin sa damit, titingin sa akin, paulit-ulit, para bang magsha-shoplift ako...

Ilang saglit lang, "Jaf! Halika dito!" sigaw ni Marj na parang nagtatawag lang ng aso na pakakainin.

Ipinasok ako nung lalaking babae na kasama namin ni Marj sa cubicle. *parang awa mo na... virgin pa ako... i don't want you to be my first...*

"Hubarin mo na 'yang tops mo..." sabi niya.

Umiling ako.

"Sige let me do it for you..."

"SUBUKAN MONG LUMAPIT SASAPAKIN KITA!"

Pumasok bigla si Marj, "Jaf! Stylist yan! Pagpapalitin ka niya nang damit! Nakakahiya dito sa labas!" pasigaw na bulong niya.
................................

"Marj... Meet the new Japhet..." entrada ng lalaking babae na kasama ni Marj sa akin.

Actually, wala akong pake, busy ako sa pag-aayos ng pagkakasuot sa akin ng relo, kaya hindi ko na nakita ang reaction ni Marj. Nahuli ko na lamang siyang nakatingin sa akin, at pagtama ng mga mata namin, bigla niyang iniwas ang tingin niya.

"Marj... Ano? Andrung-Andrew 'no?... Kapag ayaw mo 'te akin na lang ha..." dagdag nung kasama ni Marj.

"Sira!" sagot ni Marj, "Jaf, si Apple nga pala... Alfonso Tibag... Kaklase ko nung high school, nag-take siya ng crash course sa fashion and styling..."

"Hindi mo na sana binanggit yung tunay na nem ko, hindi ko nga mabanggit sa sarili ko eh..." sagot naman niya.

Matapos ang pagpapakilala, umalis kaming muli ni Marj, sumakay sa MRT, at bumaba kung saan kami unang nagkita, Araneta Center - Cubao Station.

"Saan ba tayo pupunta?" actually, ilang beses ko nang tinatanong sa kanya yan, at iisa lang ang parati kong nakukuhang sagot, 'malapit na tayo.'

8 o'clock PM, nakaupo kami sa loob nang isang bar sa gilid ng Araneta. Nagpaalam akong mag-CR. Maya-maya nagsidatingan ang grupo ng mga babae at bumeso lahat kay Marj.

No comments:

Post a Comment