23 October, 2010

I Miss You Like Crazy • 22

Chapter 22 - Together

Sa Convenient store na pinuntahan namin dati ni Marj,

"Oh?! Anong gagawin natin dito?!" tanong sa akin ni Marj.

"Paramihan ng maiinom na Slurpee!!" bulyaw ni Kuya.

"Hindi tayo papasok sa loob..." sagot ko naman.

"Ha?!" sigaw naman ni MOM.

Tinitignan lang ako ni DAD.

"Para po sa inyong kaalaman... Hindi marunong TUMAWID si Marj..." bungad ko sa gusto kong mangyari.

"What?! Marj?! At 20 hindi ka pa marunong tumawid? Eh samantalang 2 lane lang ang kalsada dito?!" pang-aasar ni Kuya kay Marj.

Natawa si DAD.

"Nag-ta-taxi na lang ako kapag kailangan kong tumawid..." sabi ni MOM.

"Parehas pa kayo..." bulong ko kay Marj. Hinampas niya ako sa balikat.

Totally, mukha kaming mga TANGA. Sabay-sabay kaming tumatawid, pabalik-balik. Ang sobrang corny na bagay, nagiging sobrang saya. Tapos naging partner-partner.

Lumipat naman kami sa 4 lane na kalsada, si MOM, tagaktak na ang pawis, "daig pa ang Aerobics..."

"Solo mode..." pang-aasar ko kay Marj habang mag-isang tumatawid.

"Manahimik ka d'yan!!" sigaw niya.

Lumingon ako kay DAD, "ang lansangan, para yang buhay, you should be very cautious sa lahat ng sasakyang dumadaan, same with our lives, we should cherish ourselves with people that comes our way."

"Japhet kapatid mo?" tanong sa akin ni MOM habang nakaturo sa kabilang banda ng kalsada.

"Sino yon Iho?" tanong din ni DAD.

Paglingon kong muli kay Marj, nasa pagitan na siya ng dalawang lane, nakatayo lang sa harap ng taong tinutukoy nila MOM at DAD.

"Dad... Si Andrew..." sagot ni Kuya Lino.
................................

Niyakad nang pauwi ni DAD sila MOM at Kuya Lino. Siya na mismo ang nagbigay daan para makapag-usap kaming tatlo.

Nagpaiwan kami sa isang coffee shop.

Sa totoo lang, wala naman akong karapatang manghimasok sa buhay nilang dalawa, sila ang may problema, pero kahit alam kong wala akong karapatan, nababanas akong makitang nag-uusap silang dalawa.

Malayo-layo ako sa kanila, pang-apat na table, pero kahit sa malayo, nakita kong tumulo ang luha ni Marj, akma na akong tatayo para mag-abot ng panyo nang maunahan ako ni Andrew.

Maya-maya, masaya na sila parehas. Nagtatawanan. Na-etchapwera na ako.

Ilang saglit pa, natapos din sila, at pagkatapos din ng mahigit isang oras, tumama rin ang tingin ni Marj sa akin. Tumayo na si Andrew at umalis, pero bago pa makalayo, tinawag niya si Marj, at doon, nagyakap sila.

Hindi katulad ng huli nilang pagkikita noon sa Araneta, na pinagtalunan pa namin, masaya siya ngayon. Masayang masaya.

"Ano yan?" tanong ko sa kanya.

"Alin?" nagtataka niyang sagot.

"Ngiting-ngiti ka ata... Samantalang halos hindi mo siya pansinin non..."

"Ano bang pakealam mo?!"

Hindi ko alam pero bigla na lang may kumawalang emosyon sa puso ko. At ito ang naging dahilan para sabihin ko ang hinanakit ko, "Marj?! Anong pakealam ko?! Bakit hindi mo itanong sa sarili mo?! Para mas madali ano ba ako sayo?!"

Tahimik lang siyang pinapanood ako.

"Marj!! Ano ba ako sayo?! Sino nga ba ako?! Eh nakita mo lang naman ako sa MRT!! Or should I say, pinag-tripan mo lang naman ako noon sa MRT!!" kulang na lang maglupasay ako, "Marj!! Umasa ako..."

"Hindi ko sinabing umasa ka!!!"

"Oo nga pala... Kasi mahal mo nga pa pala yung tarantadong yon!!"

Sinampal niya ako.

"Para saan yon?! Dahil ba totoo ang mga sinasabi ko?! Na mahal mo pa rin yong GAGO na yon?! Ano?! Sumagot ka!!!"

"Oo!... Masaya ka na?!"

Natigilan ako, napaluha. "Marj 3 months... Tatlong buwan... Tatlong buwan ang binigay ko sayo! Umasa ako... Naniwala ako... Marj... Ano ba ako?! Sa loob ng tatlong buwan naging ano ako sayo?! PAMPALIPAS-ORAS?!"

Katahimikan.

"OK..." bungad kong muli, "tapos na ang karakter ko sa buhay mo... Makakaalis na ba ako?..."

Katahimikan.

No comments:

Post a Comment