19 October, 2010

I Miss You Like Crazy • 18

Chapter 18 - Hold Me

Sa bar,

"Ang saya-saya natin 'no?" sabi ni Carl habang nakikipagsayaw kay Bea.

"Oo nga... Ewan ko lang doon sa dalawa... Feeling nila nasa library sila..." sagot naman ni Bea.

Napahinga ako ng malalim. Nakikipagpaligsahan sa katahimikan, sa loob nang maingay na lugar. Magkatabi lang kami pero parang ang layo namin sa isa't-isa.

"Mag-c-CR lang ako..." paalam ko kay Marj.

'Paano ba 'to? Woooh...'

Pagbalik ko sa table, wala na siya.

"Masama daw pakiramdam niya," sabi sa akin ni Carl.

"Ite-text ka na lang daw niya..." dagdag pa ni Bea.
................................

Dalawang araw... Hindi man lang siya magreply sa mga text ko.

"Good night...♥" text ko sa kanya.

Nagising akong may kumakatok sa pinto ko.

11:11pm...

"Marj..." nagulat akong siya ang kumakatok, pinapasok ko naman siya, "may kasama ka?"

"Meron! Hindi mo ba siya nakikita?!" mapang-asar niyang sagot.

"Gabing-gabi na ha... Delikado nang pumunta dito sa lugar namin ng ganitong oras... Wag ka nang pupunta ng gani..." naputol ang sinasabi ko ng halikan niya ako. Matagal. Napapikit ako.

Ilang saglit, humiwalay na ang labi niya sa akin, "I just want to be sure with my feelings for you..."

Hindi ko alam kung ano nang nangyayari.

"Hoy!!! Dumilat ka na!" sigaw niya, "feel na feel mo ha! Hahaha..." tawa niya.

Napahiya ako, "ano nga palang sinasabi mo?"

"Mahal ko pa ba si Andrew?"

"Ngayon ba?"

"Look... I have feelings for you..."

Natahimik ako.

"Mahal kita!!" sigaw niya, pero humina ang boses niya, "yata..."

"Bakit may 'yata' pa?"

"Japhet..." napahingang malalim siya, "ayokong manakit... Natatakot akong masaktan ka... Tulad ng sakit na pinadama sa akin ni Andrew..."

"Hindi mo pa rin naiintindihan ang pagmamahal 'no?"

"Kung makapagsalita ka parang nagka-love-life ka na..."

"Kapag mahal mo, mahal mo. Wala ng pero-pero... Wala ng kasi-kasi. Mahal mo kasi mahal mo..." tumigil ako sandali, "hay... Kapag nagmahal ka, magmahal ka lang, wag kang matakot... Kasi yon talaga ang point ng pagmamahal... Parang... Walang kwenta ang kwento ni Superman kung walang Kryptonite... Kung walang makapananakit sa kaniya... Kung walang makakapagpahirap sa kaniya..."

Niyakap niya ako. Kahit ako... Hindi makapaniwala sa mga sinabi ko.

No comments:

Post a Comment