25 October, 2010

I Miss You Like Crazy • 27

Chapter 27 - Whatever Comes

"Myotonic Muscular Dystrophy," sabi ni Kuya Lino sa kanyang pamilya. Hindi ako kasali sa pag-uusap nila, pero pinakikinggan ko sila mula sa pinto ng kwarto nila DAD kung saan andoon silang lahat kasama si Tatay.

"So?!" sigaw ni Marj, "eh di ipagamot!"

"May chance naman siguro... Sa ibang bansa?" tanong naman ni MOM.

"I'm sorry to say. Pero kahit maghanap pa tayo ngayon sa internet ng survivor ng Dystrophy, wala tayong makikita. Muscular Dystrophy in nature slowly kills human's tissue of muscles, sa kaso pa ni Jaf, Myotonic, the most rapid type ng Dystrophy," sagot ni Kuya Lino, ga-graduate na siya para maging doktor, OJT niya ngayon kaya wala siya sa bahay kanina.

"Wala ng ibang paraan?" tanong naman ni Tatay.

"Meron pa! Nasabi niya sa akin kanina available ang therapy..." sigaw muli ni Marj.

"Yes. Therapy's widely available, pero ang tanong, nakausap na ng doktor si Jaf, kaya alam niya ring pababagalin lang nito ang paglala ng sakit, ang tanong ko sayo Marj, OK lang ba kay Japhet na mag-undergo ng therapy kahit alam niyang wala naman siyang aasahan dito?" tanong ni Kuya Lino kay Marj.

Hindi ko na mapigilang hindi sumali sa usapan, binuksan ko ang pinto at nagsalita, "Sorry po, pero... Wag na po nating ipilit..."

Umuwi din si Tatay sa Pangasinan kinabukasan.
................................

Nagtrabaho ako ng mabuti. Focus sa ginagawa. Nag-iipon, ayokong iwan si Tatay na ganoon pa rin ang sitwasyon, matanda na siya, gusto ko sanang huminto na siya sa pangingisda.

Hindi ako nagtherapy, gastos lang yon, at, ayokong umasa, at ayokong paasahin si Marj.

Anim na buwan lang akong nakapagtrabaho, hindi ko na ring ipinilit na pumasok pa sa kumpanya gayong ni mag-type sa computer ay hindi ko na magawa.

Lumala lang ng lumala ang sakit ko, katulad ng ine-expect ko.
................................

"Marj oh," nag-abot ako sa kanya ng P100, "bili ka ng lima..." turo ko sa mga ticket na tig-P20.

Ngayon ko lang sinubukan 'to, 'Go Bananas' ng PCSO. 

Hindi ko na kayang kiskisin ang mga iyon kaya, "Marj, can you do it for me?"

Ngumiti siya, "sige, punta muna tayo doon *tumuro sa isang coffee shop*" kasabay ko siyang pumunta doon, pero hindi katulad dati, hindi ko siya katabing maglakad, nasa likod ko siya, tumutulak sa inuupuan ko.

"Paano ba ito?" tanong niya sa akin.

"Kiskisin mo lang yung mga ink."

Kiniskis niya ang unang ticket, "bakit ka pa naggaganito? Malaki naman nakuha mong separation pay sa dati mong trabaho..." pagkatapos, pinagpag ang ink sa ticket, "oh... Tatlong P20... Times 3 pa!! Hahaha..."

"O di ba? Bawi ka na para sa susunod pang dalawang ticket..." tawa ko sa kanya, "gusto ko sanang tumigil na si Tatay sa pangingisda... Matanda na siya."

"Hayaan mo na si Tatay... Tignan mo... Kapag huminto nga siya sa ginagawa niya... Wala na siyang pagkakaabalahan... Wala na nga siyang kasama sa bahay..." naputol na sabi ni Marj, napapreno ng umiwas na ako ng tingin.

"OK lang yon... Ituloy mo na yan."

Wala na kaming nakuha sa pangalawa at pangatlo. Nagtaka ako nung nilagpasan niya yung pang-apat.

"It's the devil's number..." sagot niya.

Napakunotnoo ako.

"Kaya nga malas ang 13, tignan mo, 1 plus 3 equals 4."

"Saan mo naman napulot yan? Sa True Philippines Ghost Stories?"

Nagtuloy lang siya sa pagkiskis.

"Marj..." tawag ko sa kanya, "gusto ko sanang umuwi na ng Pangasinan..."

"Sige... Para makarating na rin ako sa inyo..." sagot naman niya.

"Gusto ko sanang maramdaman pa ang dagat habang may pakiramdam pa ang katawan ko..."

Umuwi kami ng Pangasinan, doon ko nais magpahinga.

No comments:

Post a Comment