Chapter 3
Basang-basa
na ng likidong nahuhulog mula sa itaas si No. 37 pero patuloy pa rin ito sa
pagsunod sa Aphrodite. Wala nang sinasabi ang tracker, 'malamang ay sinira ito
ng likido,' bulong nito sa sarili.
Isang
liko na lamang ay mararating na ni Julianne ang kanilang bahay, binalak niya
sanang isumbong ito sa mga gwardya ng subdivision kung may tao sa guardhouse,
pero kahit ilaw wala siyang natanaw rito, kaya binilisan niya pa ang pagsuong
sa ulan lalo't hindi na niya nagawang damputin pa kanina ang kaniyang payong..
Pagkarating
na pagkarating ni Yanie sa tapat ng bahay nila ay agad itong pumasok ng gate at
ni-lock ito, pumasok ng pinto at dalawang beses din itong kinandado. Agad
siyang sumilip sa bintana, tinatanaw ang gate kung nakasunod pa rin sa kanya
ang lalaki, "wala na siya..."
Nakatayo
na sa harap ng isang weird na pinto si No. 37, hindi ito metal o salamin katulad
ng mga pinto sa Fifth City, kakaiba din dahil wala itong DNA sensor na
nakakabit dapat sa gilid, tanging bilugang bakal na mas maliit pa sa palad niya
ang nakakabit dito at isa pang bakal na may kung anong desenyo na kung hindi
siya nagkakamali ay isang paraan para mabuksan ang pintong iyon.
"Antagal
mo namang bumili ate... Bakit basa ka? Asan yung payong mo?"
pambungad ni Cholo kay Yanie.
Sinasarado
ng dalaga ang bintana't kurtina nang utusan niya rin ang kapatid na isara ang
back door. "May sumusunod sa akin kanina... Isarado mo lahat ng pwedeng
isarado..."
Agad
na nagmadali si Cholo at tumakbo papuntang kusina para isara ang pinto roon pati
ang bintana nakasunod naman sa kanya ay isang malaki't mabuhok na aso na tinititigan
lang siya.
Iniikot
ni No. 37 ang lugar kung saan nakita niyang pumasok ang Aphrodite, naghahanap
ng posibleng mapasukan pero bigo ito. Wala pa ring tigil ang pagbuhos ng likido,
tila lumalakas pa ito at tanging sa pinto kung saan pumasok ang kanyang pakay ay
ang tanging lugar kung saan ligtas siya sa pagkabasa, "ngayong alam ko
kung saan matatagpuan ang Aphrodite, ang tanging magagawa ko na lamang ngayon
ay hintayin siyang kusang lumabas sa pinagtataguan niya."
"Lalaki
o babae yung sumusunod sayo ate?" tanong ni Cholo.
"Lalaki,"
sagot naman ni Julianne habang nagpupunas na ng buhok matapos maligo at
magpalit ng damit.
"Matanda
na?"
Napaisip
saglit si Yanie, "parang... Siguro ka-edad ko..."
"Mukhang
goons o kasing gwapo ko?"
"Mahalaga
ba 'yon?"
"Oo!"
biglang sagot ni Cholo, "nababasa ko sa mga posts ng friends ko sa
facebook na hindi ko naman talaga kaibigan sa totoong buhay na 'kapag pangit,
stalker. Kapag gwapo, suitor...'"
Pilit
tinandaan ni Julianne kung anong itsura ng lalaking nung nilagpasan niya ito,
"weird yung suot niya... Fit na old blue... Mataas siya, siguro mga 5'10..."
"Tinatanong
ko kung anong itsura..."
"Hindi
ko na maalala... Nakakatakot kaya! Bigla na lang niya akong hinawakan sa
balikat, mamaya kidnapper pala siya!" sagot muli ni Yanie, "teka!
Bakit hindi ka nag-aalala sa pwedeng mangyari sa akin?!"
"Tinatanong
mo talaga yan ate? Eh ikaw nga dapat ang katakutan nila eh, sige, nong ginawa
mo nung hinawakan ka sa balikat?"
"Tinumba
ko siya..."
"Kitams?"
iniwan na niya ang dalaga sa kusina at tumambay sa sala para kumalikot ng kung
anong bagay na pinagti-trip-an niya ngayon. Magha-high school na si Cholo, pero
lagpas pa sa high school ang mga bagay na alam nito. Di hamak na mas matalino
kesa kay Yanie ang kapatid niya, parati itong nangunguna sa klase at parating
si Yanie ang naroon para tanggapin ang mga award nito gawang OFW ang kanilang
ina.
Nagising
na lang ang dalaga nang maramdaman niyang namamanhid na ang braso niya,
nakatulog siya sa kusina nung iwan siya ni Cholo, at si Cholo busy pa rin sa sala.
Bigla niyang naalala ang binatang sumunod sa kanya at sa hindi niya malamang
dahilan naalala niya rin kung anong itsura nito, mataas siya, maputi, tama
lamang ang katawan nito, nangiti na lang siya nang maalala niya ang sinabi ng
kapatid, gwapo ang lalaki.
Tumingin
si Yanie sa relo, alas dose, magdadalawang oras na siyang tulog sa kusina. Agad
siyang tumayo at dumungaw sa bintana, tumigil na ang ulan pero sobra ang hamog
sa labas, 'wala na siya...' Lumapit siya sa pinto at tinanggal ito sa
pagkakakandado.
"Saan
ka pupunta?" tanong ni Cholo.
Nabuksan
na niya ang pinto at nagulat sa nakita, "Cholo!" agad tumakbo ito
papunta sa kanyang ate at doon nakita ang isang lalaki na nakahiga sa sahig.
Nilapitan
ni Cholo ang lalaki at pinanood itong nakahiga sa sahig, "siya ba yung
sumusunod sa'yo?" pagtango lang ang natanggap niyang tugon mula sa kanyang
ate, "mukha naman siyang mabait ah..."
"Bata
ka pa kasi kaya madali kang magtiwala... Tara na! Pasok na tayo, itatawag ko na
lang yan sa Barangay..."
"Mainit
siya..." sabi ni Cholo habang hawak nito sa noo ang binata.
Agad
umupo sa tabi ni Cholo si Yanie at hinawakan rin ang lalaki, "anong
gagawin natin?"
"Ako
pala ang matanda dito... Teka, bilang kuya mo... Ipasok natin siya sa
loob..." biro ni Cholo.
"Bakit?!"
"Basang-basa
yung damit niya... Kapag iniwan natin siya dito baka magka-pneumonia
siya..." makatwirang sagot ni Cholo.
Itinayo
nila ang binata, kanang braso nito sa balikat ni Yanie at ang kabila'y kay Cholo,
nakapasok na sila ng pinto nang mabitiwan ng binata ang hawak nitong bilugang
bagay, "Cholo, kunin mo tapos isara mo na yung pinto..." agad
humiwalay si Cholo at kinuha ang nahulog ng binata.
Inilalakad
ni Yanie ang binata papasok ng bahay nang maapakan siya nito na naging dahilan
ng pagka-off balance nila, unang bumagsak ang binata sa sahig tapos ay natumba
rin ang dalaga kasunod ang labi ni Yanie sa labi ng lalaking nasa sahig. Unang
halik ng dalaga, sa hindi magandang pagkakataon at sa hindi naman kakilalang
tao.
Naisara
na ni Cholo ang pinto at nasaksihan ang mga nangyari. Hanggang sa tumayo na ang
kanyang kapatid na parang walang nangyari.
Inihiga
nila ito sa sofa at agad na umakyat si Yanie sa kwarto ni Cholo, "punasan
mo muna siya at ikukuha ko siya ng damit..." Bumaba ang dalaga dala-dala
ang maluwag na damit ni Cholo, "palitan mo siya ng damit, maghahanap ako
ng gamot sa medicine cabinet," umalis na itong muli.
"Ang
awkward niya... Pagkatapos niyang pagsamantalahan ang isang natutulog na tao...
Tsk... Tsk..." bulong ni Cholo.
Binantayan magdamag ng magkapatid ang lalaki habang tulog ito sa sofa, handa sila sa kung ano man ang maaaring mangyari kaya't may hawak sila parehong mapanakit na bagay.
Habang
nasa gitna ng kanyang panaginip si No. 37, sa pinakaunang pagkakataon. May
lalaking nagsasalita, kilala niyang ang boses pero hindi niya makilala kung
kaninong tinig ito, "Pang 35 na ang gagawin ng Fifth City? Si ALPHA No. 37
ang magsasagawa ng misyon..." "Pero nakasunod sa tao ng Fifth City
kung sinong mga ipadadala ng Third..." "That's an order! Bilang Demi,
inuuutos kong gamitin ang aking sarili, ipadala si No. 37, ang aking
specie..."
Ginising
ang binata ng isang hindi niya alam kung ano, dinidilaan nito ang kamay ni No.
37, isa itong halimaw na mabuhok, kulay brown ito at matangos ang ulunan, agad
siyang umupo mula sa pwestong hindi siya pamilyar at tinanggal ang nakatakip sa
kanyang katawan na makapal na tela. Sinukat ang halimaw na mukhang hindi naman
mapanganib, mataas lamang ito sa kanyang tuhod at may habang sa tantsa niya ay 0.7
meter hindi pa kasama ang buntot nitong mabalahibo rin.
Nagmasid
siya sa paligid bago niyang napansing iba na ang kanyang kasuotan, damit na may
maigsing manggas na may nakaguhit na taong may itim at tulisang buhok na tila ba
ay lumilipad katulad ng mga ginagawa sa Fourth City, at pang-ibabang umaabot
lamang sa kanyang tuhod.
Bukod
sa kakaibang paligid, may iba pang nadarama si No. 37, kakaiba, weird, ngayon
lamang niya naramdaman nang bigla-bigla ay may tumunog mula sa kanyang tiyan.
"Gutom
ka na? Kumain ka na muna, may almusal na..." alok ni Julianne.
Tila
ba huminto ang paligid ni No. 37, nasa harap niya ngayon ang kanyang pakay, "Aphrodite..."
No comments:
Post a Comment