19 February, 2012

u2me2!♡ • 22

Chapter 22 

"SIRAULO KA!" sigaw ni Brylle. Mabilis siyang napatakbo pagkabukas pa lang niya ng kahon na bigla niya ring naibato kasama ang laman nito, "ilayo mo sa akin yan!"

Dinampot naman ni Clarisse ang kanyang sorpresa para sa binata, "baliw ka! Ikaw na nga nireregaluhan eh!" sagot naman nito habang hinahabol si Brylle.

"Siraulo ka ha! Lumayo ka sa akin!" sigaw pa ng binata, habang pinapanood lang sila ng mga tao sa buong set na pinagtatawanan sila.

"Friendly naman siya eh..." pang-uuto ng dalaga, "kita mo hindi nga siya gumagalaw..." hawak nito ang regalo sa kanyang palad.

"Tigilan mo ako ha!" sagot pa ni Brylle, "huy! Tama na! Ayoko sa IPIS!"

"Para kang tanga! Hindi naman 'to tunay..." biglang sabi ni Clarisse, bigla siyang may hinawakang parte nito, "tignan mo nga oh, may tali siya, kasi keychain lang siya..." Napatigil na ang binata.
•••

"Akala ko pa man din, si Kuya Brylle ang gusto ni Ate..." biglang sambit ni Nene.

"Eh kasi nga, hindi siya type ni Papa Bry, ako. Ako ang mahal niya..." hirit naman ni Froila.

"Kapal ha... Mahal kaagad?"

"Of course..." sagot naman ni Froila.
•••

Kinabit ni Clarisse ang regalong ipis sa cellphone ng binata, "oh, di ba maganda?" pagbibida nito sa insekto.

"Tanggalin mo yan d'yan!" masungit na tugon ni Brylle.

Matawa-tawa na lang si Clang sa reaksyon ng binata, "takot-takot-takot-takot..." pang-aasar nito habang ibinabalandra sa mukha ni Bry ang laruang ipis.

"Baliw..." bulong ni Brylle, "akin na nga yan!" pag-agaw nito sa kanyang CP.

"Wag mong tatanggalin yan!" sigaw ng dalaga nang ambang tatanggalin ni Brylle ang keychain.

"At bakit?" madiing tanong ng binata.

"Kapag tinanggal mo yan..." putol na sagot ng dalaga.

"Kapag tinanggal ko 'to...?"

"Kapag tinanggal mo yan..." hindi niya pa rin malaman kung anong idurugtong sa kanyang mga sinabi.

"Ano nga? Kapag tinanggal ko 'to?" pang-aasar pa ng binata.

"Kapag tinanggal mo yan... ...HINDI NA KITA BATI!"

Natawa si Brylle sa sinagot ni Clarisse, "yun na yun?"

Tumayo na lang ang dalaga at umalis na parang bata.
•••

Abala si Fernando sa pag-review ng mga papel na nasa desk niya nang biglang may kumatok sa pinto ng kanyang opisina.

"Busy ka ba?" tanong ni Philip.

"Philip... Hindi, pasok..." pagpapaunlak nito sa bisita, tinawagan niya ang kanyang sekretarya't nagpahanda ng maiinom. "Nabisita ka? What can I do for you?"

"Wala naman... Mga bagay na wala nang kinalaman sa asawa ko..." tawa nito.

"Look... Kapatid ko si Violeta, and, she is my younger sister so logically, I'm the one na dapat eh nagtatanggol sa kanya..." sumandal na siya sa kanyang upuan, "but... I think, nasa edad na siya para harapin ang marital problems niyo."

"That is, actually, the reason why I am here, I don't know if 'thank you' is the right word for me to say but, thank you," sabi ni Philip.

"Don't thank me, hindi pa nagbabago isip ng kapatid ko," tawa pa nito.

"Uuwi na sila Brylle this week, and susunduin ko sila from the airport... I just want to know would you mind going with me?" tanong ni Philip.

Napailing si Fernando, "I don't think that's a good idea..."

"It's been two years... I know you two are not in good conditions right now, pero don't you think it's about time para magkaayos kayong mag-ama?" dagdag pang tanong ni Philip.

"Si Brylle lang ang inaalala ko, malalim na ang galit sa akin ng anak ko..."

"Well, I hope you'll make up your mind. Matagal na kayong hindi nagkakausap..." sagot naman nito, "teka, alam mo na bang Brylle's been cast to do a movie?"

Napatingin na lang si Fernando sa kausap nang marinig ang mga sinabi nito.

No comments:

Post a Comment