16 June, 2012

next to you • 4



Chapter 4

Awkward, ngayon lang nagkaroon muli ng kasabay kumain ang magkapatid sa pagkakataong ito, hindi pa nila kakilala. Magkatabing nakaupo sila Cholo at Yanie habang nasa harap naman nila ang estranghero.

Patuloy pa rin ang nadaramang hindi maganda si No. 37, may kakaibang nangyayari sa loob niya na hindi niya mawari, pero kahit kaunti, nabawasan ito simula nang maamoy niya ang kung anong nakapatong sa mesa.

“Kain ka na...” paanyaya ni Cholo sa binata.

Inangat na ni No. 37 ang kamay at tila sinasapo ang hangin at dinadala ito sa kanyang mukha para tuluyang maamoy ang mga bagay sa mesa, nilalanghap ang bawat amoy na pumapawi sa sensasyong nadarama. Saglit ay tumigil siya nang mapansin niyang pinapanood siya ng dalawang nasa harap.

Bumulong si Julianne sa kapatid, “anong ginagawa niya?”

“Inaamoy niya yung pagkain...” sagot naman nito.


“Inaamoy?” muling tanong ni Yanie.

“Oo, pero weird, ganyan ang common way sa pag-amoy ng chemicals,” tugon ni Cholo.

“Chemicals? Oo, ganyan ginawa namin sa Chemistry nung 3rd year...” tinignan niya ang binata, “pero bakit inaamoy niya lang yung pagkain? Akala ba niya lalasunin natin siya?”

“Hindi ko rin alam...” tinusok ni Cholo ang isang hotdog gamit ang tinidor na nasa harap ng lalaki at muli ay ibinalik ito sa plato ng katapat, “kain ka lang, wag kang mahiya...”

Tahimik lang si No. 37 habang pinagmamasdan ang isang metal na bagay na tumutuhog sa kulay pulang mahabang bagay. Puzzled, muli niyang ibinalik ang tingin sa dalawang kaharap, “anong kain?

Nagkatinginan na lang ang magkapatid.

“May nararamdaman ako sa aking kalamnan, kailangan kong pumunta sa Nourishment...” sabi ni No. 37 at biglang tumayo.

“Teka... Kumain ka muna bago ka umalis...” pigil ni Yanie, hindi niya malaman kung bakit niya ginagawa ito lalo pa’t ito ang taong pilit niyang nilayuan kagabi, “nakakahiya naman kung hindi ka namin pakakainin bago ka umalis...”

“Ano ba ang sinasabi niyong kain?” tanong muli ni No.37.

“Kain,” biglang sagot ni Cholo sabay tusok muli sa isang hotdog at kinagat, “kain... kagat? Nguya? Lunok...?”

Nagulat si No. 37 sa ginawang aksyon ng kasa-kasama ng Aphrodite, “ILUWA MO YAN!!!” sigaw nito bago hinawakan ang mukha ng taong sumubok lumunok ng bagay, “iluwa mo yan bago ka ibalik sa Third City!!!”

“Nalunok ko na...” mahinang sagot ni Cholo.

Binuhat ni No. 37 ang tahasang sumuway sa utos ng mga Demi’s, pilit ipinaluluwa ang bagay na nilunok nito, “ILABAS MO YAN!” kung saan halos itaktak na niya ito.

Inagaw na ni Julianne ang kapatid sa kamay ng estranghero, “ANONG GINAGAWA MO?!” hinarap niya ang kapatid, “okay ka lang?” pagtango lang ng ulo ang natanggap nitong tugon mula rito. “Anong problema mo? Akala mo ba may lason ‘to” kumuha siya ng pagkain gamit ang kanyang kamay at ahad itong sinubo at kinain, “O! Wala ‘tong lason! Masaya ka na?!”

Nabigla si No. 37 sa ginawa ng Aphrodite, “anong ginawa mo?!”

“Seriously?! Baliw ka ba o pinagti-trip-an mo lang kami?!” sigaw muli Julianne nang hawakan na siya ng kanyang kapatid, awat na, si Cholo nang bahala.

“Pagkain?” tanong ni Cholo, “alam mo yung pagkain?”

Napa-isip si No. 37, “pagkain?” umiling ito.

Natigilan na si Yanie. Tama si Cholo, kanina pa inosente ang reaksyon ng binata simula nang magising ito, kung paano nitong tinitigan ang paligid, ang kanyang bagong suot, ang aso ng magkapatid hanggang sa kanilang pagkain, “anong pangalan mo?”

“Ang pangalan ko ay No. 37, ALPHA,” humawak ito sa kaliwang tenga para ipakita ang nakahikaw sa kanyang tag, “No. 37.”

Nagkatinginan muli ang magkapatid, “saan ka nakatira?” tanong ni Julianne.

“Nakadestino ako sa Fifth City sa loob ng Third Star.”

“Fifth City? Third Star?” ulit ni Cholo, “may lugar ba dito na Fifth City?”

“Hindi matatagpuan dito ang Third Star,” sagot ni No. 37, “kasalukuyan itong nasa Triangulum.”

“Triangulum?” completely lost na si Julianne.

“Galaxy? M33?” tanging nasabi ni Cholo.

“Oo.”

“Ibig mong sabihin galing ka sa outer space?” tanong muli ni Cholo.

“Oo,” matigas na sagot ni No. 37.

Nang biglang magtawanan ang magkapatid, “gwapo nga, may sayad naman!” tawa ni Cholo.

“Alam mo, gutom lang yan... Ikain mo lang yan titino ka na,” sabi ni Yanie bago umupo habang tumatawa pa rin, “ang weird niya infairness...” sabi nito sa katabi na kauupo lang rin sa hapag. Sabay na kumain ang dalawa habang ang binata’y pinapanood lang sila.

Kung ano-anong pinaglalagay ng mga ito sa bibig nila, inilapit ni No. 37 ang mukha sa plato, inamoy nang malapitan ang pagkain. Dinampot ang metal na tumutusok sa pulang bagay at muli itong inamoy. Pinanood niyang muli kung paanong ginawa ng kasama ng Aphrodite sa bagay na ito, gamit ang ngipin pinutol ito, inilapit ni No. 37 ang pagkain sa kanyang labi, binuka ang bibig at dahan-dahang inilalapit ang mga ngipin nito sa bagay. Simula nang dumikit ito sa dila ni No. 37, hindi na niya mapigilang isubong muli ang pagkain.

“Kakain ka rin pala...” bulong ni Yanie.

Pinanood muli ni No. 37, baba-taas-baba-taas, ibababa at itataas ang ibabang bahagi ng ngipin, punong-puno ang bibig ni No. 37 ng kakaibang bagay na nagpapaligaya sa kanyang kalamnan, natagalan siya bago matapos pagnguya nang kailangan na niyang gawin ang ipinagbabawal ng mga demi’s, dahan-dahan ay nilunok ni No. 37 ang bagay, unti-unti, nang bigla siyang matigilan at maubo.

“Cholo, nasamid! Abutan mo ng tubig!” utos ni Julianne.

Agad kumuha ng baso si Cholo at sinalinan ito ng tubig, inabot  sa binata, “inumin mo ‘to?

Natigilan si No. 37, “inumin?

Alangan si Julianne sa gagawin, kanina lang nakita niya kung paanong tinaktak ng lalaking ito ang kapatid niya, “okay ka lang ba talaga?”

“Oo nga... Hindi daw siya aalis hangga’t hindi ko sinasauli yung tracker niya daw, mamayang gabi ko pa yun maibibigay... Kanino kayang kasalanan kung bakit nasira yon?! Sige na, baka ma-late ka pa...” paalam nito sa kapatid habang katabi ang binata.

Si Cholo na lang ang kasama ni Yanie, kaya hirap siyang iwanan ito sa isang taong hindi naman nila kakilala sabay tingin sa lalaki, “bukas na ako papasok...”

“Wag kang mag-alala sa akin,” banggit nito bago lumapit kay sa kapatid para may ibulong, “may electrocuter ako...” bago umalis sa tenga ng dalaga, “saka may mga kapit-bahay naman tayo...”

Hindi pa rin mapanatag si Julianne, “tawagan mo ako kaagad kapag may nangyari ha...” sinuot na nito ang earphone, “bye Cholo...” kaway nito sa kapatid bago lumabas.

Nakita ni No. 37 ang bagay na may kable na kinabit ng Aphrodite sa kanyang tenga at ang pagkaway nito sa kasama. Umupo na ang dalawa sa salas, si Cholo para gawin ang gamit ni No. 37 at si No. 37 kanina pa nilalaro ang tenga, ginagaya kung paanong nilagay ng dalaga ang dekableng bagay sa tenga, huminto ito at ginaya naman ang kumpas ng kamay na ginawa ng Aphrodite, “Cholo,” tawag nito sa kasama.

Lumingon naman si Cholo at nakitang kumakaway ang binata.

“Bye Cholo” patuloy nito sa pagkaway.

“Aalis ka? Saan ka pupunta?” tanong ni Cholo.

“Ako? Aalis ako?”


◢◣ prev | cover | next ◥◤

No comments:

Post a Comment