Naglalakad na patungo sa elevator
ang binata nang saktong bumukas ito at lumabas ang pattisier na kanina lang ay
kausap niya, personal nitong dinala ang dessert na pinili ni Brylle nang
salubungin siya nito. Agad na tinanggal ni Brylle ang half sphere na metal na
kumukubli sa sorpresa na para sa dalagang kanina lang ay kanyang kaharap, ditto
tumambad sa kanya ang putting ice cream na nakapatong sa isang square na
brownie na lubos na pinaganda ng chocolate syrup nan aka-zigzag sa buong
masterpiece, kita mula rito ang isang makintab na bagay na ang kalahati ay
nakabaon sa puting sorbetes, agad na kinuha, iniwan ang kaharap matapos
magpatong ng ilang pirasong dolyar, at sumakay sa elevator.
Naintindihan na lang ng pattisier
ang mga pangyayari nang sumenyas mula sa pinto ng hotel room nila Brylle ang
isang clerk na cancelled na ang lahat.
Kahit umalis na ang totoong may
pakana ng lahat ng nasa hotel room, hindi pa rin umaalis ang mga clerks na
tuloy pa rin sa kanilang service, bukod sa tumutugtog ng violin na kanina pang
huminto simula nang mag-umpisa ang tensyon. Mangilid-ngilid ang luha ni
Clarisse habang pilit nitong pinagpapatuloy ang pagkain, “ano bang kasalanan
ko?” buong tanong nito, walang pakealam sa mga taong kasama dahil alam niyang
hindi naman nila siya maiiintindihan.
Patuloy sa paglakad si Brylle, hindi
alam kung saan pupunta kahit pagod galling sa buong araw na trabaho, hanggang
ngayon tumutunog pa rin ang cellphone niya. ‘Ayoko na nito, these things
interfering with I want,’ nakaamba nang itapon ni Bry ang CP nang makita niya
ang kanina pang nakasabit rito. Marahas ay binuksan niya ang likod ng
telepono’t itinapon na lang ang battery nito, “Clarisse…”
Lumuluha na si Clarisse habang
kinakain ang ice cream sa dessert niya, subo lang siya nang subo hanggang
makalahati niya ang brownie nang masamid na siya. Agad naman siyang sinalinan
ng tubig sa isa sa mga baso ng isang lalaki, agad ininom at sa wakas ay iniyak
na ang sama ng loob, “kung may mali akong nagawa, sana pwede akong mag-sorry…”
Huli na nang mapansin ni Clarisse na nag-aalisan na ang mga lalaking kasama,
nang biglang may umakap sa kanya mula sa likod.
“Sorry…” banggit ng lalaking
nakaakap sa dalaga.
Humawak si Clang sa braso ng binata,
“Bry…”
“Just stay still,” sabi ni Brylle
pressing his head sa batok ng dalaga. May minuto muna ang binilang bago nabasag
ang kanilang katahimikan, “hindi ko sinasadya… Kung nasigawan kita, I’m sorry.”
Hindi sanay ang dalaga na ganito ang
binatang lagi niyang nakakasama, “Bry, tatay mo siya.”
“Hindi ko alam kung anong sasabihin
ko sa kanya. I don’t even know how could I say ‘hello’ to him. I haven’t talk
to him for a while, kung maituturing mong ‘a while’ lang ang 2 years.”
“Bry…”
“I’m no good in telling people how I
feel, especially when I’m unsure with it, that’s how I end up yelling to
anybody, for that, I’m sorry.” Gusto nang harapin ni Clarisse ang binata, “a
little longer please…” alam na ng dalaga na umiiyak si Brylle kahit pilit
nitong hinihinaan ang paghikbi kaya pinabayaan na niya ang binatang nakaakap sa
kanya.
Parang anak ni Clang si Bry habang
nakahiga ang binata sa balikat ng dalaga, hindi na naisipang magpalit pa ng
damit. Nilalaro ni Clang ang buhok ni Brylle sa paraang nakakaantok, habang
hindi naman malaman ni Brylle kung pwede ba niyang akapin ang taong umaaruga sa
kanya ngayon.
Kinaumagahan, parang walang
nangyari,
"Aalis tayo mamaya..."
umagang pagbati ni Brylle pagkalabas pa lamang niya ng kwarto kay Clarisse
habang kumakain naman ito ng paboritong cup noodles.
"Saan tayo pupunta?!"
pasigaw nitong tanong nang pumasok na sa CR ang binata, pero hindi siya sinagot
nito, "impakto pa rin... Kahit kelan ka ha..."
“You can’t mess up uli ngayon, last
chance, bukas aalis na kayo kaya galingan mo!” usap ng binata sa harap ng salamin
bago kinuha ang toothbrush at toothpaste. Biglang naalala ni Bry ang kanyang CP
habang nagtu-toothbrush siya, wala itong baterya. Kinuha niya ito sa kanyang bulsa
at sa ikalawang beses ay inihagis niya ito, "BALIW KA TALAGA!!!"
sigaw nito in a gargly way sabay dura.
Dinig na dinig ni Clang ang sigaw ng
binata, “anong nangyari do’n?”
Biglang lumitaw si Bry sa pinto ng
CR, habang hawak ang toothbrush, "muntik ko nang maibato sa toilet yung
cellphone ko!" sigaw ni Bry na hindi pa nagmumumog at kitang-kita pa sa
bibig niya ang bula-bula ng toothpaste, inihagis niya ang telepono kay Clang na
sa kabutihang palad ay nasalo naman ng dalaga.
Saglit ay nagtaka si Clang kung
anong kinalaman niya ditto hanggang sa maalala niya ang napakagandang keychain
na ibinigay nito sa binata, "muntik lang pala eh... Buti nga kamuntik lang
eh..."
"Siraulo ka..." sabay
pasok muli ni Bry sa CR, napangiti na lang muli ang binata sa harap ng salamin.
Pagkalabas ni Brylle sa CR agad siyang may kinuha sa pantalon na nakasabit sa
likod ng pinto ng kwarto at iniabot kay Clang ang dalawang ticket.
“Ticket ‘to saan?” binasa niya
saglit ang mga nakasulat sa ticket, “Crown Ticket?”
Pinagtutulakan na ni Brylle si
Clarisse papasok ng estatwa, kanina lang hindi makapaniwala ang dalaga na maari
pala silang makaakyat sa itaas ng Liberty, mabilis nilang hinintay ang alas
kwatro nilang schedule para maakyat ang korona at nag-cruise muli paikot ng
isla, “ang mahal ng ibinayad ko rito para hindi ka umakyat!”
Napatingala si Clarisse sa loob ng
statue, nakita kung gaano kakitid ang mga espasyo, makitid na hagdan at makitid
na isip ng kasama, “sigurado bang ligtas umakyat ditto? Paano kapag biglang
gumuho, paano tayo makakababa kaagad kung ganyan lang kaliit ang hagdan?”
“Wag kang mag-alala, ihahagis kita
palabas para makababa ka kaagad…” pang-aasar ng binata with matching
mapangbwisit na ngiti at agad nang itinulak ang dalaga, “bilis…”
“Impakto ka! Saglit lang…” pero wala
nang nagawa si Clang nang magsimula na silang umakyat sa isang spiral staircase
na ubod ng kitid. Kung takot si Clang sa ginagawa niya ngayon, hati ang mga
dahilan sa liit ng lugar at sa taas ng inaakyat at sa impaktong kanina pa siya
pinagtutulakan.
‘Konti na lang, last attempt… I can
do this…’ dasal ni Brylle. Saglit pa narrating din nila ang pakay.
“Eto na yun?!” dismayadong sabi ni
Clarisse habang minamata ang liit ng nadatnan, hinarap niya si Bry at parang
kandilang namamatay ang bibig ng dalaga, “ang taas-taas ng inakyat nati…”
Heto si Brylle, nakatayo sa harap
niya, nakatitig sa isang bagay na nasa kamay niya, maliit na asul na kahon.
No comments:
Post a Comment