"Hay!" sigaw ni Brylle pagkapasok pa lang nila ni
Clarisse sa hotel room nila, "PAHINGA!" sigaw pa nito at dumiretso sa
kanyang kama. Silang dalawa lang ni Clang ang umuwi sa hotel nila't iniwan si
Efren sa Wellington kasama ang buong production.
"Kakain ka pa ba?" tanong ni Clarisse sa binata habang
nakasilip lang mula sa pinto nito.
"Syempre... Ikaw? Hindi ka ba kumakain?!" sagot naman
ng binata.
'Bwisit... Mabuti pa nung wala siya eh...' bulong ng dalaga sa
kanyang sarili, "lalabas pa tayo?"
Napatayo si Bry mula sa kanyang pagkakahiga, "hindi ka ba
nagugutom?"
"Nagugutom... Kaso pagod na ako para lumabas eh..."
umalis na siya sa pinto ng kwarto ni Bry.
Lumabas na ng kwarto ang binata at nakita na nakahiga na si Clang
sa sofa, "mag-order na lang tayo..."
•••
"Sinagot na kaya ni ate si Terrence?" tanong ni Nene sa
kapatid.
"Kanyang-kanya na si Terrence..." sagot ni Froila.
"Ahm... Reality check lang ha... Nang makita mo si Brylle sa
commercial mo nun sabi mo hindi mo type... Pero ngayon kulang na lang
magpaalipin ka sa kanya," tawa ni Nene.
“I changed my mind, hindi ba pwede yun?”
•••
Pwede namang via phone na lang kung mag-order si Brylle ng
pagkain mula sa ibaba pero nag-abala talaga itong puntahan ang kitchen at
kausapin ang chef maging ang mga taong magse-serve ng kanilang pagkain
maya-maya. Bago tuluyang umalis, may iniwan siya sa patissier na magiging abala
sa paggawa ng dessert. Pagkabalik pa lamang ng binata ay agad niyang inutusan
si Clang na magbihis.
“Para saan?” biglang tanong ng dalaga, “akala ko ba mag-oorder na
lang?” tamad na tamad nitong sambit. Pero bago pa man siya makaungot muli ay
pinagtulakan na siya ng binata patungo ng banyo at kinulong mag-isa ang dalaga.
Tumakbo si Bry para maghalungkat ng damit ni Clarisse pero wala
siyang makitang may pagka-formal bukod sa blouse na dirty white at black skinny
jeans, ‘okay na ‘to’ bulong nito sa sarili, kinatok niya ang dalaga na
kasalukuyang nagmamadali sa pag-aayos kahit hindi naman talaga niya alam kung
ano nang mga nangyayari.
Binuksan ni Bry ang pinto ng CR habang nakatakip ang isang kamay
sa kanyang mga mata, “wear this…” kinuha naman agad ito ng dalaga, “wala ka man
lang dinalang maganda-gandang damit…” dagdag pa ng binata.
Matapos magbihis ay lumabas na si Clang, “may dala akong dress,
namantsahan kayla Terrence, si Tita na daw baha…la,” nga huli nitong nasabi
matapos Makita ang binata na nakabihis ng pormal, deep blue long sleeves na
bumabagay sa kutis nito, manggas na nakatupi hanggang ibabaw ng siko, nakabukas
na dalawang butones, itim na perfect fit na pants at itim rin na sapatos.
“Tita?”
Madiin na napalunok ng laway si Clang bago nakasagot, “Mama ni
Terrence, si Tita Sandra…”
Magtatanong pa sana si Brylle nang biglang may kumatok na sa
pinto, tinugunan naman ito kaagad ni Clang at nasorpresa nang biglang
magsipasok ang mga nakaunipormeng hotel clerk, nag-setup agad ng isang round
table, binalutan ng tela, pinatungan ng mga bulaklak, plato, mas maliit na
plato, isa pang mas maliit pang plato, mababaw na mangkok, nilagyan ng
sandamakmak na kubyertos sa paligid nito, tatlong wineglass na magkakaiba rin
ng laki, table for two. Huling inilagay ang isang maliit na yerong balde na may
lamang bote ng alak na napapalibutan ng malinaw na yelo. Napatingin na lang ang
dalaga kay Brylle na nang mga oras na yun ay masaya sa mga nangyayari.
Inalok ni Bry ang kanyang kamay, “please, have a seat.” Na dahan-dahan
namang inangat ng dalaga ang kanyang kamay at inabot ito sa lalaking kaharap,
katulad ng sa mga napanood niyang mga romance movies kung saan magkasama ang
bidang lalaki at ang bidang babae, hinila ni Brylle ang upuan para na para sa
bidang babae, ’at ako yun…’ bulong ni Clarisse sa sarili. Umupo na ang bidang
lalaki sa tapat ng kanyang upuan nang bigla namang may tumugtog ng musika, mula
sa isang violin na sumasaliw na imahinasyon na totoong nasasaksihan ngayon ng
dalaga.
May laman na ang bowl ni Clang bago pa niya mapansin na si Brylle
na ang hinahainan ng soup, “gutom ka na ‘di ba?” bahagya nitong pagngiti, hindi
ito pang-aasar, alam ng dalaga, ngayon niya lang nakitang matino kasama, sa
buong panahon na kasama niya si Bry, ngayon lang siya ganito.
“Seryoso na ako… I need this girl. I need her… because I love
her. Nothing could go wrong tonight, pagkatapos ng gabing ito, sana ‘oo’ ang
isagot niya,” mga bagay na kanina pang naglalaro sa isipan ni Bry. “Shall we?
Kain na…” paanyaya nito sa dalaga, “wag ka munang magpakabusog ha… May DESSERT
pa…” madiin nitong sabi.
Mabilis nilang natapos ang appetizer, lumapit ang mga
nakaunipormeng kalalakihan, kinuha ang gamit nang bowl at nag-serve ng karne
bilang kanilang main course.
Abalang kumakain at nagkukwentuhan ang dalawa nang biglang may
tumawag sa telepono ni Brylle, nakapatong lang ito sa mesa kaya agad niyang nalaman
kung sino ang tumatawag, at hindi ito sigurado kung dapat ba niya itong
sagutin.
“Sige, sagutin mo na muna…” pagpaparaya ni Clarisse sa oras na
sanay makasama niya ang binata, ngunit alalang tingin lang ang natanggap niya
mula kay Brylle, “bakit?” tinanaw niya ang phone at nakita ang tatlong letrang
ngalan nan aka-register sa telepono ni Bry, “sagutin mo na.”
“Ayoko…” bagamat totoong ayaw niyang makausap ito hindi pa rin
maalis sa mukha nito ang pag-aalala.
“Brylle sagutin mo na! Dad mo na yan!”
No comments:
Post a Comment