"Here's
your Special Hot Choco Non-Fat Cream plus Coffee Mix Punch," pag-serve ni
Kristoff sa kanyang unang customer ngayong gabi.
"Huh?
Kaka-start lang ng rainy season hot beverage na kaagad ang ibinibigay mo sa
akin?" ngingiti-ngiting sabi ni Joyce.
Pabirong
binawi ni Kris ang tasa at, "eh di akin na lang 'to..."
"Kaltas
yan sa sahod mo..." biglang sagot ng dalaga tapos sabay na silang
nagtawanan.
Kilalang-kilala
na nila ang isa't-isa, Nursery - 1, three years old lang si Joyce nang pumasok
siya sa school ng basang-basa salamat sa biglang buhos ng ulan, tag-ulan noon
nang makilala niya ang isang batang lalaki, inalok siya nito ng bimpo pero
tinanggihan naman ito ni Joyce nagpumilit ang bata at siya na mismo ang
nagpunas sa basang buhok ni Joyce.
"Basa
din ang shirt mo..." pag-aalala ng batang lalaki, agad nitong hinubad ang
t-shirt habang suot na lamang ang pangloob na sando, "isuot mo..."
abot nito sa damit.
Tinanggap
ni Joyce ang shirt at pumasok sa CR para magpalit ng damit, baby blue ang
t-shirt na may print na bilog na kulay blue na may mas maliit na bilog na kulay
red sa loob at sa gitna nito ay may malaking puting star. may nakita siyang
nakasulat sa loob ng t-shirt, kaparehas ng huling salita ang nakasulat sa
nametag ni Joyce, "same kami ng last name?" tanong nito sa sarili
nang marinig niyang may tumatawag sa kanya.
"Joyce
Ferrer?" tanong ni Ms. Helen nang makita niya si Joyce na kalalabas lamang
sa CR hawak ang isang basang shirt, "come here baby... Sit next to
Kristoffer..."
'Kristoffer...'
bulong ni Joyce habang nakaupo sa tabi ng batang nagpahiram sa kanya ng damit.
"Huh?"
lingon nito sa katabi, bigla itong napangiti nang agad na makilala ang katabi,
"kasya sa'yo? Ahm... Ano nga uli yung pangalan mo? Joyce?"
Nakangiti
lang siya, "thank you... Yes I'm Joyce..." sagot nito sa batang
katabi, "I'll return your shirt tomorrow..."
"Sa'yo
na yan..." ngiti nitong muli, "marami akong collection na Captain
America shirts... Meron nga din akong mga action figures... Meron din akong
shield..." buong pagmamalaki ni Kristoffer. Wala nang nagawa si Joyce
kundi makinig sa mga kwentong bata ng katabi. "Kaya dapat ang tawag mo sa
akin, Captain..."
"Captain?"
Simula noon, hanggang Preparatory Class magkatabi silang dalawa.
"Ikaw
na naman?" pagkaupong pagkaupo ni Kristoffer sa unang klase bilang Grade
1.
"Captai...
Ahm... Kristoffer..." bigla na lang nitong nasabi nang makitang muli ang
dating katabi matapos ang summer break.
Napangiting
muli si Kris, "ang haba ng Kristoffer, Kristoff na lang..." sabi
nito, "ikaw, no choice ka na kasi one syllable lang ang pangalan
mo..." biglang tawa nito.
Buong
elementary years nila, parehas silang hindi naalis sa first section, at parehas
silang hindi naalis sa tabi ng isa't-isa dahil parehas din silang Ferrer. Sabay
na pumapasok simula nang malaman nilang magkatabi lang ang village na
tinitirhan nila, sabay na kumakain sa school, sabay na umuuwi, sabay na
gumagawa ng assignments, kasama ang bawat isa sa mga family occasions at
outings. Halos mapagkamalan na silang magkapatid dahil parati silang magkasama.
Nagba-bike
si Kristoff noon papunta kayla Joyce para ibidang marunong na siyang
magbisikleta nang sumemplang siya bago pa man siya makarating sa street ng
kaibigan kung saan nagtamo siya ng sugat sa tuhod. Hindi na siya muling sumakay
pa sa bike at tulak-tulak na lamang ito papunta sa bahay ng pakay, bukas ang
gate at bilang semi-part of the family, pumasok na siya ng walang paalam.
May
nakita siyang batang babae na siguro ay kaedaran niya sa garden nila Joyce,
inalok ng batang babae si Kris ng panyo nang mapansin ni Kristoff na nakatingin
ito sa kanyang sugat. Kakatanggap pa lamang niya nito nang biglang lumabas ng
bahay si Mommy Belle, nanay ni Joyce, na umiiyak kasunod nito ay si Joyce na
hinahabol ito and that same day, hindi na niya nakita uli si Mommy Belle.
Grade
4 sila noon ng damayan ni Kristoff si Joyce sa pagkamatay ni Mommy Belle, it
was a car accident, on the lighter side mabuti ay nakaligtas si Joyce, pero ang
trauma na idinulot na makita niya kung paanong namatay ang kanyang ina, it took
a while bago niya ito na-overcome malaking pasasalamat kay Captain lalo pa't
hindi na naging maayos ang relasyon ni Joyce sa kanyang ama.
When
things fit to their right places saka naman nagkakaroon ng hindi inaasahang
pangyayari, Grade 6 sila nang atakihin naman sa puso si Daddy Esteban, tatay ni
Kristoffer. The greatest man sa buong buhay ni Kristof ay iniwan sila ng
kanyang ate at kanyang ina, at pagkakataon naman na para hindi iwan ni Joyce
ang kaibigan at tumayo bilang Captain na magli-lead kay Kristoffer.
Pero
hindi tulad sa loss nila Joyce, napilay ang buong pamilya nila Kristoffer nang
mawala ang haligi ng kanilang tahanan, 15 years old lang si Ate Natalie at 12
naman si Kristof, maging ang kanilang ina ay walang alam sa pamamalakad ng
kumpanya kaya hindi rin katagalan ay nagsara rin ito at unti-unti na nilang
naibebenta ang kanilang mga ari-arian hanggang pati ang bahay nila ay nawala na
rin sa kanila.
Naipagpatuloy
na lang ni Kristoffer ang pag-aaral bilang varsity sa Swimming Team ng kanilang
school, pero kahit bumaligtad na ang buhay nila Kris nanatiling nasa tabi niya
si Joyce, na sa tuwing gusto nang sumuko ni Kristoffer parating nakaalalay si
Joyce para suportahan ang kaibigan, katulad kung paanong pinunasan ng batang
lalaking hindi naman niya kakilala ang kanyang buhok siya ngayon ang pupunas ng
alanganing nadarama ni Captain.
After
High school, hihinto na dapat si Kristoffer sa pag-aaral nang makatanggap siya
ng sulat, isang linggo bago magsimula ang pasukan kailangang um-attend ang
binata sa try-outs para sa effectivity ng kaniyang scholarship grant, agad
niyang tinawagan ang dalaga at tila walang katapusan ang pasasalamat nito sa
direksyong ibinibigay ng kanyang Captain.
Inayawan
ni Kristoffer ang inalok ng Daddy ni Joyce na pag-aralin siya, "trabaho
po..." ang gusto ng binata, kaya sa coffee shop kung saan magiging Trainee
rin si Joyce ipinasok si Kristoffer.
"May
pasok na bukas..." reklamo ni Joyce.
Nakatanaw
lang si Kristoffer sa labas, "ang lakas ng ulan, malamang maraming
customer mamaya..."
No comments:
Post a Comment