Chapter
25
Kung paanong nanginig ang tuhod ni Clang nung una niyang makita
ang binata, doble pa ang nadarama niya ngayon. Ang anghel na nasa kanyang
harapan, maamong mga mata, matangos na ilong, magandang labi, makinis na mukha,
maayos na buhok at ngiting nakatutunaw, parehas nang una niya itong makaharap.
"Clarisse..." banggit ni Bry habang patuloy pa ring
nakatitig sa dalaga.
Halos hindi na makahinga ang dalaga sa kabang nadarama.
Inilabas na ni Brylle ang regalong binili sa set noong isang
araw, nakakubli ito sa isang asul na kahon na mas maliit pa sa palad ng binata.
'Hindi pa yata ako ready...' isip ng dalaga sa mga nangyayari
Binuksan na ni Brylle ang box at doon nakita ni Clarisse ang isang
singsing, hindi ito kulay ginto, pero alam niyang hindi ito silver. bilugan ang
singsing, wala itong disenyo bukod sa maliit na bato na sa tingin niya ay
diamante sa gitna ng singsing.
"Hindi pa ako handang pakasalan ka... 17 pa lang ako..."
biglang nasabi ni Clang.
Napangiti ang binata sa sinabi ni Clarisse, "hindi ito
engagement ring..."
Nagtaka ang dalaga, "para saan ang singsing?"
Tinanggal na ni Brylle ang singsing sa lalagyan nito at may
kinuha pa sa kanyang bulsa, "hindi kita minamadali..." mula sa
kanyang bulsa ay kwintas at sinuot niya ang singsing rito, "this ring I
give you would significe my love for you, mahal kita Clarisse, and I am willing
to wait..."
Kulang na lang ay sumabog na ang dibdib ng dalaga sa kanyang
nadarama.
Lumakad si Brylle patungo sa likod ni Clarisse at sinuot ang
kwintas habang pendant nito ang singsing na kanyang ibinibigay, "wear the
ring when you're ready, kapag handa ka nang tanggapin ako," bumalik ang
binata sa harap ni Clang at tinignan ang dalaga sa kanyang mga mata, "as
your boyfriend."
"Teka lang ha..." tanging lunok na lang ang magawa ni
Clarisse.
"No... I just said I can wait, hihintayin ko ang sagot mo,
hihintayin ko hanggang maging handa ka na,” ngiti ni Brylle.
Tahimik na bumaba ang dalawa, hindi malaman parehas kung paanong
magsisimula ng pagsasalita. Tinignan ni Bry si Clang nang Makita niyang
nakatingin rin pala sa kanya ito. In an instant, parang wala silang nakita,
iniwas nila parehas ang kanil;ang mga tingin. Umabot na sila sa gallery nang
biglang tumuro sa isang direksyon si Clarisse, sa restrooms, sabay turo sa
sarili at turo muli sa sign ng CR at kumaway na tila isang pipi.
“Wake up Brylle! Nagawa mo na! Congrats!” ngingiti-ngiting sabi
ni Bry sa sarili, “sana lang hindi masyadong matagal ang hintayin ko…”
Nakaharap si Clarisse sa salamin, hindi makapaniwala sa mga
nangyari. Hinawakan niya ang pendant na singsing, dinama ito sa kanyang mga daliri
para mapatunayang hindi siya nanaginip, saglit pa ay hinubad niya ang kwintas
at tinignan ng malapitan ang singsing, plain lamang ito makinis ang kabuuan ng
ring nang may mapansin siya sa loob nito, inikot niya ito para mabasa ang
kabuuan ng nakaukit rito, pangalan nilang dalawa. Sa sobrang tuwa ay inilapat
niya ito sa kanyang pisngi at dinama ang lamig nito bago sinukat sa kanyang
kaliwang palasingsingan. Tinitigan niya ito sa kanyang kamay, sa salamin,
umikot at tinanaw sa liwanag ng ilaw, “ang ganda ko…” biro nito nang maalala
sila Froila, agad niyang kinuha ang telepono nang biglang may maunang tumawag
sa kanya, “Terrence?”
> hi… *medyo awkward na sabi ni Terre*
< hello…
> uuwi na kayo bukas? *bigla nitong naitanong*
< mmm… Ikaw? Kelan ka uuwi?
> siguro kapag pinayagan na ako ni Dad na umalis…
*tatawa-tawang sagot ni Terrence* About sana doon sa sinabi ko sayo noong isang
araw…
< *agad na nataranta si Clang at nailapag sa countertop ang kanyang
hawak* Terre…
> I’m serious about that, kaya sana… pag-isipan mo…
< Terre… Tungkol doon… Ahm…
> no… I’m not pressuring you. Just think about it, mahihintay
ko naman yung sagot mo… *nang bigla nang ibaba ni Terrence*
“Terrence…” bulong ni Clarisse bago huling beses na sumulyap sa
salamin at huminga ng malalim kahit medyo wala pa siya sa sarili sa
napakaraming dahilan ngayong araw, dinampot na niya ang kanyang bag at ang
kwintas sa top at umalis.
“You did great…” huling papuri ni Brylle sa sarili nang makita na
niya si Clarisse, sinalubong niya ang dalaga par asana ayain itong kumain nang may
mapansin ito, "Grabe! Patay na patay ka talaga sa akin 'no?! Ni hindi mo
man lang pinag-isipan?!"
“Ha?!” pagtataka ni Clang sa sinabi ng binata nang mapansin
niyang wala na siyang suot na kwintas, hawak na niya ito, at ang singsing… ay…
suot na niya, “hindi! Teka!” bumalik na ang kaluluwa niya, akma niya nang
huhubarin ang singsing nang hawakan ng binata ang kamay ng dalaga.
“Ano?! Wala nang teka… Wala nang hubaran… Wala nang bawian…”
No comments:
Post a Comment