20 June, 2012

next to you • 5




Chapter 5

"Si Kris ma?" tanong ni Natalie sa kanyang nanay na kasalukuyang nanonood lang ng TV.

"Aba... Pumasok na... Kumain ka na, nagluto na ng agahan ang kapatid mo bago umalis..." sagot naman ni Nelia habang nakataas pa ang paa sa lamesita.

"Wala pang allowance yun ha..." Kauuwi lang ni Natalie galing trabaho, bilang nakatatandang kapatid kay Kristofer pilit niyang sinusuportahan ito, hindi na siya nagkolehiyo at maagang nagtrabaho pagkatapos nito ng High School.

"May pera naman yun na nakatago, kahit ako nga hindi ko makita eh. May pera ka na ata eh, wala na tayong bigas..." sahod nito sa sweldo ng anak.

◥◤◢◣

"Twenty pesos kapag aircon bus, multiplied by zero point two, four pesos discount, sixteen na lang..." pagkukwenta ni Kristof ng pamasahe sa loob ng bus, sinusulit ang aircon na buong-buong nakatutok sa kanya, "kapag jeep, ten plus eight, eighteen times point two, three point six, bale fourteen point four, difference of... One point six between aircon bus at jeep... Hay..." matindi ang pag-iisip nito kung anong sasakyan sa susunod. "Bus 'pag papasok para hindi naman ako mukhang dugyot pagdating sa school, jeep na lang pauwi since pa-gabi na rin after sa varsity. Ok."

Nakarating na si Julianne sa school, alangan pa ring pumasok dahil iniwan niya sa kapatid ang isang taong hindi naman nila kakilala pareho, "umuwi na lang kaya ako?"

"Miss beautiful, first name po..." tanong ng Student Assistant kay Yanie, hindi namalayan ng dalagang umabot na pala siya sa Admission Building.

"Ha?" unang tugon ni Yanie habang katatanggal lang ng earphone agad naman niyang nabasa sa booth na kailangan ng pangalan para magkaroon ng tag, "Julianne..."

Agad itong isinulat ng lalaking S.A. Sa isang nametag, "cellphone number?" tanong pa nitong muli nang kabigin siya ng isa pang kasamang S.A. at sabay na silang natawa, "joke lang... Here's your tag, Julianne," abot nito sa sticker na agad namang kinabit ng dalaga sa suot niyang blouse sabay alis, nakalimot magpasalamat gawang si Cholo pa rin ang inaalala niya. "P're, sarap mag-S.A. Andaming chikas..." sabi ng unang S.A. sa kasama.

Lumapit na si Kristof sa mga S.A. sa kabilang mesa, "o guys!" biglang tawag ng babaeng SA sa mga kalalakihan sa kabilang mesa, "may boys din kami!" ngiti nito habang nakaharap kay Kris.

"Inyo na yan!!!" sigaw ng kabilang mesa.

"Gwapings... Baby face..." compliment nito sa binata, "name po?" nagmamaganda nitong tanong.

"Kristofer..."

"Pwede pa-spell?" tanong muli ng babae nang tawanan siya ng kasama ring babaeng SA, "pinapatagal ko syempre... Minsan lang ang ganito kagandang view..." sabay tingin muli kay Kris.

Napangiti na lang ang binata at sumagot, "K-R-I-S-T-O-F-E-R..."

"Kris... tofer..." sulat nito, "ayan... Ngayon diyan nakasulat yan, bukas naka-tattoo na yan sa puso ko..." biro pa ng SA.

Paalis na ang binata habang kinakabit ang nametag nang tanungin siya ng mga SA kung anong kurso nito, "Entrep..." sagot naman ng binata nang biglang mag-ring ang CP nito, si Joyce, "Joyce... Asan ka na? Nasa hall ka na ba? Papunta na ako dyan..."

"Hindi..." malungkot na sagot ni Joyce, "may aasikasuhin pa ako, sabihin mo na lang sa akin kung anong mami-miss ko..."

Iba ang tono ni dalaga, at alam ni Kris na may kinalaman ito sa ama ni Joyce, gustuhin man niyang magtanong may usapan na sila ng dalaga na wag niyang pakealaman kung anong tampuhan ang namamagitan sa mag-ama, "sige... Ako nang bahala, itatanong ko na lang mamaya sa mga magiging kaklase mo..."

"Salamat Captain..." binaba na ni Joyce pagkatapos, buntong-hininga.

Tumunog muli ang CP ng binata, "kailangan ko palang i-silent 'to..." sabi nito bago binasa ang natanggap na text, si Ate Natalie.

Tinext ni Julianne ang kapatid, "tumawag ka kapag may nangyari..." hindi talaga siya mapakali sa kalagayan ng kapatid. Malapit na sa Hall si Yanie nang maisipan niyang tawagan muna si Cholo.

"HOY! Atat kang pumasok! Iiwan ko yung baon mo sa cabinet mo, iiipit ko sa Algebra Book mo at baka makita pa ni Mama, alam mo na..." napailing na lang ang binata nang mabasa niya ito.

Biglang tumalikod si Julianne na naging dahilan ng pagkabangga niya sa isang lalaki at mabitawan ang cellphone kung saan hindi nakakabit ang earphone kundi sa iPod nito.

"I'm so... Sorry..." tanging nasabi ni Kristof habang akmang dadamputin ang nahulog din niyang CP.

**TOG!!!**

Nagkauntugan ang dalawa gawa nang dadamputin din dapat ni Yanie ang CP nito.

Sa lakas ng impact, napaupo ang binata, "Aaa... raaay..." paghimas nito sa nabukulang ulo habang nananatili namang nakatayo ang dalaga.

"Grabe... Ang tigas ng ulo mo..." reklamo ng dalaga, "ansakit ha..."

"Sorr..." depensa nito matapos damputin ang dalawang CP at matigilan pagkakita nito sa dalaga, "ikaw..." bulong nit. 'Siya yon, yung batang babae...'

"Pasensya na ha... Pero kailangan ko pang tawagan yung kapatid ko eh..." tugon ni Julianne sabay kuha ng CP nito sa kamay ng binata, "thank you..." at biglang umalis.

Wala nang nagawa pa si Kris kundi panooring lumayo ang dalaga, hindi katulad noon kung saan siya ang tumakbo palayo sa batang babaeng ito.

Nakaupo na sa bus si Joyce, galing siya sa opisina ng kanyang ama para makipag-usap kung saan hindi naman talaga sila nag-usap dahil iwas pa rin ang dalaga sa kanyang ama, "General Manager for the Coffee Shop," recall nito sa sinabi ng sekretarya ng kanyang ama, hindi niya alam kung anong balak ng tatay niya at binigay kaagad sa kanya ang posisyong ito. Hindi ito para mapatawad siya, there's no way, dahil siya pa rin ang sinisisi ni Joyce sa pagkamatay ng kanyang ina bukod pa sa ilang tao na may kinalaman din rito, "hay..." sulat nito sa likod ng upuan ng bus na nasa kanyang harapan gamit ang 0.2 na Tech.Pen.

◢◣ prev | cover | next ◥◤

No comments:

Post a Comment