02 May, 2011

A Love to Kill Ep-01.1

Episode 1 - Pilot

Malamig ang hangin na humahalik sa pisngi ni Lindsey. Kakaiba ang lamig ng hangin kumpara sa ibang gabi. Niyakap niya ang kanyang sarili para ibsan ang nanunuot na ginaw. Ilang saglit lang, nakarinig siya ng ingay mula sa kanyang likuran, ingay ng kinakasang baril.

Nag-iba na ang eksena, tumatakbo na siya, hinahabol siya ng dalawang hindi nakikilalang mga lalaki.

Ngayon, nasa tuktok na siya ng isang pamilyar na gusali, napalingon, "Wala ka ng matatakbuhan!" sigaw ng isa sa mga goons na kanina pa humahabol sa kanya.

Habang unti-unting lumalapit sa kanya ang mga lalaki ay unti-unti rin siyang napapaatras.

Na-corner na siya, nasa dulong parte na siya ng rooftop at isang atras na lang, kamatayan na ang naghihintay sa kanya.

Biglang lumakas ang hangin, matagal bago napagtanto ni Lindsey na nahuhulog na pala siya. Napapikit na lang ang dalaga.

Mainit na braso na ang nadarama niya, tila ba sinalo, buhat siya ngayon ng isang lalaki, pero hindi niya maaninag ang itsura nito dahil sa dilim ng paligid.

"Sino ka?" tanong ng dalaga.

Nang sumagot ang binata biglang may pumutok na baril na naging dahilan para hindi marinig ni Lindsey ang tinig ng lalaking karga-karga siya.

Sa wakas, nagising rin si Lindsey. Pagkatapos siyang bingihin ng alarm clock niya, imposibleng mabalikan pa niya ang kanyang panaginip at alamin kung sino ang lalaking nagligtas sa kanya.

"Sino kaya yun?" tanong niya sa sarili, "hay..." mapanghinayang niyang tono.

................................

"Ready?!" tanong ni Andrei sa kapatid na si Warren.

Napahingang malalim na lang ang binata, wala nang magawa kundi hayaan ang kapatid na babaeng magmaneho ng sasakyan niya, "seatbelt mo!"
................................

"LINDSEY!!!" sigaw ng ama ng dalaga, si Enrique Tan, isa sa mga pinaka-successful na Tsi-Noy businessman sa bansa.

Matapos maghanda ni Lindsey sa pagpasok sa unang araw sa kolehiyo, agad siyang nagpakita sa hapag habang noon din ay kumakain na ang kanyang ina na si Ivy Garcia, nag-iisang anak ng isang mayamang pamilya sa iniwang bayan, sa Ilocos.

Dalawa ang naging anak nila Enrique at Ivy, si Arthur na naka-base ngayon sa Cebu kasama ang asawang pinagkasundo para sa kanya at si Lindsey na ngayon pa lamang papasok sa kolehiyo dahil sa limang taong agwat sa kuya.

"Anong oras na?!" galit na tanong ni Enrique sa anak, "alas diyes y media na!!! Anong aabutan mo sa school?! LUNCH BREAK?!"

"Dad... Hayaan mo muna si Lindsey... First day of school pa lang naman eh... Wala pa silang gagawin ngayon... Puro orientation pa sila..." depensa naman ni Ivy sa anak.

"What's new Ma?!" sagot naman ng dalaga, nilingon niya ang kanilang maid at inutusan ito, "pakisabi kay Kuya Anton na pakihanda yung kotse ko..."

Pasubo na ng pagkain si Enrique nang matigilan ito, "Anong KOTSE?! Hindi ka magda-drive!!"

"What? Niregalo sa akin ni Kuya yun kagabi!!! Ma oh... Si Papa!!!"

"Baby... Your Dad and I just decided na hindi ka muna magmamaneho until you're 18" malumanay na sagot ng nanay ng dalaga.

"Bakit si kuya?! Nag-drive siya when he's 16!!!" sagot muli ni Lindsey.

"Kasi... LALAKI SIYA!!!" sigaw muli ni Enrique.

Nawalan na ng pag-asa si Lindsey, "Dad... You don't even have a point..." tumayo na siya, "nawalan na ako ng gana."

"Lindsey!!! Don't turn your back on us!!! Wag kang bastos!!!" sumigaw na si Ivy.

Sa labas, "MANONG!!! What ever your name is, let's go!!!" sigaw ni Lindsey.
................................

Malalim ang iniisip ni Warren, 'Hindi ako makapaniwalang ganun na lang kung magbigay ng tao si Supremo, pinakawalan niya ako at ibinigay kay Iris...'

"Andito na tayo!" bungad ng kapatid.

'Bakit? May binabalak sila... Pero hindi ko malaman kung ano. Oo, ginusto ko nang humiwalay sa grupo ni Supremo, para sa ikatatahimik ng buhay namin ni Andrei. Pero may kaduda-duda talaga sa naging desisyon nila...'

No comments:

Post a Comment