29 June, 2011

u2me! • 9

Chapter 9

3:28am na sa CP ni Brylle, wala pa rin ang dalaga, kanina pa niya tinatawagan si Clang pero 'unattended' parati, "laro kasi ng laro kanina eh," mainis-inis na bulong ni Brylle.

Alas kwatro pasado natapos ang trabaho ng binata, at hanggang sa mga oras na iyon hindi pa rin bumabalik si Clarisse, "ano ng nangyari doon?" Pagkatapos magbihis agad bumaba si Brylle mula sa 22nd floor, dalawa ang elevator ngunit hindi na gumagalaw ang isa na nasa 14th floor kaya't ang kabilang elevator na lang ang ginamit nito.

Pagkababa, lumapit ang binata sa guard na nakatayo sa entrance, tinanong niya rito kung may napansin ba siyang babae. Ipinaliwanag ni Brylle sa guard ang itsura, taas at suot ni Clarisse.

"Ah... Yung may dalang kape?" pagkaalala ng sekyu.

"Siya nga po. Pumasok na po ba siya ulit?"

"Kanina pa..." binuklat ng guard ang kanyang logbook, "2:20 pa siya bumalik..."

28 June, 2011

u2me! • 8

Chapter 8

Habang kumakain ang dalawa,

"Gusto mong mag-artista?" tanong ni Clang. Umiling lang ang binata, "ayaw mo?"

"Wala akong talent..." sagot nito sabay subo ng pagkain.

"Sabihin mo nga ulit yung 'KFC tayo!'" sabi ng dalaga.

"Baliw..." sabay titig kay Clarisse.

"Hay... Susubukan nga natin eh..." reklamo nito, "OK... Magbibigay ako ng eksena, ganito," alok ni Clarisse, mukha namang game si Brylle, "OK Bry ganito, kunwari girlfriend mo ako..." nagsimula ng mamilog ang mga mata ng binata, "nakikipag-break ako sayo..."

"Ang lakas mo namang mag-ilusyon..." pang-aasar ng binata.

"Siraulo... Iba na nga lang!" sigaw ni Clang at sandaling nag-isip, "ay alam ko na..."

Nagpatuloy na lang sa pagkain si Brylle, wala na sana siyang pakealam ng,

"OK ganito, kunwari ako ang nanay mo, kasi ayaw mo akong girlfriend, tapos nasa ospital tayo, tapos... Nanghihina na ako... Kailangan umiiyak ka ha... Nanghihina tapos mamamatay na ako..."

26 June, 2011

u2me! • 7

Chapter 7

"Uy... Sorry na..." panunuyo ni Clarisse sa kasama, "uy... Hindi mo pa ako tinuturuan gamitin 'to..." tukoy nito sa hawak na credit card. Naghahabol ang dalaga habang tulak niya ang kanilang cart.

Huminto naman si Brylle mula sa mabilis nitong lakad.

"Wag ka nang magtampo... Dalawang plastic naman na Voice yung binili ko eh..."

'Eh ano ngayon?' bulong ni Brylle sa sarili.

Sa kabutihang-palad, itinuro naman ni Brylle kay Clang kung paano ipangbayad at ang PIN ng credit card. Pagkatapos agad silang bumaba kung saan naka-park ang sasakyan ng binata.

"Teka... Di ba ibibili mo pa ako ng laptop..." paalala ni Clarisse.

"Bakit naman kita ibibili? Syempre ikaw na bijili para sa sarili mo..." sagot ni Brylle, 'skies the limit na nga yang credit card mo kuripot ka pa rin...' bulong nito sa sarili.

Dahil sa sinabi ni Brylle, sumimangot ang dalaga.

25 June, 2011

u2me! • 6

Chapter 6

"Saan ka galing? Nagkalkal ka ulit ng basura?" pang-aasar ni Brylle sa bagong dating na si Clarisse habang abala siyang naglalaro sa laptop niya sa sala.

"Baliw..." mahinang banggit ni Clang, "anong ginagawa mo?"

"Nagdo-dota," sagot naman ni Brylle, lumapit sa kanya ang dalaga.

"May ganyan din si Terrence..."

"Terrence?"

"Yung nakatira dyan sa kabila..."

"WOW! Ang aga mo mangapit-bahay ha!"

Tinignan niya lang ng masama si Brylle.

"Ang sama mo makatingin ha!"

"ANG LIIT NG SAYO!" sigaw ni Clarisse sabay tayo nito't pumunta na sa kusina.

Nabigla si Brylle sa sinabi ni Clarisse, "ano yon?!"

"Mabuti pa yung kay Terrence MALAKI!"

24 June, 2011

u2me! • 5

Chapter 5

Nagising si Brylle, mahigit dalawang oras din siyang nakatulog, ginising lamang siya ng gutom. Pagkalabas pa lang niya ng kwarto, bumungad na sa kanya ang isang Clarisse na nakasalampak sa sahig, abalang-abala sa pagkalikot ng isang bagay, nilingon naman siya ng dalaga at sinabing, “kain ka na… Hindi na kita naantay eh… Kumain na ako…”

“Bakit ka nakahiga sa sahig? Ano yang ginagawa mo dyan?” tanong ng binata.

“Naglalaro…”

“Naglalaro?” pagtataka ni Brylle, “May sofa naman ha…”

“Hindi ko mabalanse eh… nahuhulog parati yung bola…”

“Bola?”

u2me! • 4

Chapter 4

Habang nasa loob ng elevator pabalik na ng kanilang unit,

"Sa monday pala mag-eenroll ka, sasamahan lang kita papunta pero hindi na kita maihahatid pauwi," wika ni Brylle.

"OK... Ikaw? Mag-aaral ka rin?" tanong ni Clarisse, ngunit tahimik lang ang binata, "ano bang kurso mo dati?" tanong niyang muli ng biglang bumukas na ang elevator.

Kung tahimik lang ang binata kanina, nakakunot na ang noo niya ngayon, tinignan niya muna si Clarisse ng masama bago mabilis na lumabas.

"Ang sungit nito..." bulong ng dalaga.

23 June, 2011

u2me! • 3

Chapter 3

Magkatabing nakaupo ang dalawa sa sofa,

Magkahalong saya at kaba ang nadarama ni Clarisse. Saya dahil makakasama niya parati sa bahay si Brylle, at kaba dahil bukod kay Froila na kalahating lalaki lang, hindi niya pa nararanasang tumira sa loob ng isang bubong kasama ang isang lalaki simula ng mamatay ang tiyuhin niya na asawa ni Tita Rose.

"So, ano? Anong kwarto ang gagamitin mo?" tanong ni Brylle sa dalaga.

"Sa akin na lang sana yung may sariling banyo..." pakiusap ni Clarisse.

Tumayo na si Brylle, "yung sa taas... Ok..." ngiti nito, "yung refrigerator na lang naman yung mabigat na kailangan pang tanggalin sa box, ako nang bahala dito sa baba, mag-ayos ka na lang ng gamit mo sa kwarto..."

May isang oras mahigit ring nag-aayos ng kani-kanilang gamit ang dalawa ng biglang may mag-doorbell. "Kakarating lang namin may bisita na kaagad?" nagtaka si Clarisse kayalumabas siya ng kwarto para bumaba.

22 June, 2011

u2me! • 2

Chapter 2

“Ay!” sigaw ni Clarisse, nagulat siya sa biglang pagbusina ng sasakyang nasa harap niya.

“Miss… Pwedeng patanong?” sambit ng binatang naka-shades na nakadungaw mula sa driver’s seat.

Lumapit naman ang dalaga, sa paglapit niya hinubad na ni Brylle ang salamin at doon na huminto ang mundo ni Clarisse. Isang anghel ang nasa kanyang harapan, maamong mga mata, matangos na ilong, magandang labi, makinis na mukha, maayos na buhok at ngiting nakatutunaw.

Napangiti na lamang si Brylle ng marinig niya mula sa dalaga ang ‘Happy birthday…’

19 June, 2011

u2me! • 1

Chapter 1

"Guys, KFC tayo..." imbita ni Brylle sa isang kaibigan.

Nabigla ito at agad nagtanong, "Birthday mo?!" Sumagot man si Brylle ng 'hindi,' dumating na ang iba pa nitong kaibigan at agad siyang pinagtulakan, masayang malaman na manlilibre ang kaibigan.

Nakaupo na sila sa loob ng KFC nang binati na si Brylle ng mga kaibigan, "HAPPY BIRTHDAY!!!"

"Hindi ko nga birthday..." sagot ni Brylle.

"PARA SA HINDI BIRTHDAY!!!"