10 September, 2010

I Miss You Like Crazy • 3

Chapter 3 - For You 

"North Avenue Station, last station, kindly check your..."

Tinapik ko siya, pero ayaw pa ring gumising. Bumaba na ang mga Madre, pero nililingon pa rin nila kami. Pinasan ko siya, pasakit ba ito sa akin? Ni hindi ko nga kilala 'tong babaeng 'to.

May isa pa akong problema... Sa Pasay pa siya uuwi. "Shit ka!" sigaw ko sa kanya.

Inuntog niya ang ulo niya sa akin. Ramdam na ramdam ko ang tigas ng ulo niya, para akong hinampas ng paddle sa ulo. 'Siraulo ka,' bulong niya.

Palabas na kami, "asan ang ticket mo?" tanong ko sa kanya.

"Nasa Araneta..."

"Araneta?"

"Araneta Coliseum! Tanga ka?!"

"Bakit nasa Araneta?"

"Pinambalot ko ng bubble gum... Binato ko sa RING... SHOOT!"

"Ha?!!"

Inuntog niya uli ang ulo niya... Mas malakas. "Paulit-ulit?!!"

Kahit alam kong bawal, sinubukan ko pa rin, lumabas ako na karga siya. Isang Ticket. SUCCESSFUL.

Pababa na kami ng tinawag kami ng Guard, "ticket niya?" sabay turo sa karga ko.

"Ah... Eh..." hindi ko alam ang sasabihin ko.

"HI KUYA!!! APIR!!!" sigaw ng babaeng karga ko.

"Ikaw na naman?" tanong ng Guard.

Pinaalis din kami ng Guard, hindi ko alam kung bakit pero sa tingin ko, nasanay na siguro siya sa babaeng 'to, ibigsabihin, PAULIT-ULIT NA NIYA NG GINAGAWA ITO!

"Kilala ka nung Guard?" tanong ko sa kanya.

"Crush ako nun..."

Hindi ko na pinatulan... Lasing eh... "Paano ka uuwi?"

"Hindi ako uuwi!"

"Saan ka uuwi?"

"SA PILING MO!"

"Gago ka?! Gusto mong pag-fiesta-han ng mga tambay sa amin?"

Kung sabagay, alangan namang pabayaan ko itong mag-bus mag-isa, mamaya... Dun pa 'to SUMUKA.

Sumakay kami ng jeep, natulog siya ulit, maganda talaga siya, sa suot niyang damit, kitang-kita mo ang hubog ng katawan niya, at, ang malulusog niyang...

"MALIGAYA na," sigaw ng tsuper.

Maligaya talaga ako.

No comments:

Post a Comment