20 June, 2012

next to you • 5




Chapter 5

"Si Kris ma?" tanong ni Natalie sa kanyang nanay na kasalukuyang nanonood lang ng TV.

"Aba... Pumasok na... Kumain ka na, nagluto na ng agahan ang kapatid mo bago umalis..." sagot naman ni Nelia habang nakataas pa ang paa sa lamesita.

"Wala pang allowance yun ha..." Kauuwi lang ni Natalie galing trabaho, bilang nakatatandang kapatid kay Kristofer pilit niyang sinusuportahan ito, hindi na siya nagkolehiyo at maagang nagtrabaho pagkatapos nito ng High School.

"May pera naman yun na nakatago, kahit ako nga hindi ko makita eh. May pera ka na ata eh, wala na tayong bigas..." sahod nito sa sweldo ng anak.

16 June, 2012

next to you • 4



Chapter 4

Awkward, ngayon lang nagkaroon muli ng kasabay kumain ang magkapatid sa pagkakataong ito, hindi pa nila kakilala. Magkatabing nakaupo sila Cholo at Yanie habang nasa harap naman nila ang estranghero.

Patuloy pa rin ang nadaramang hindi maganda si No. 37, may kakaibang nangyayari sa loob niya na hindi niya mawari, pero kahit kaunti, nabawasan ito simula nang maamoy niya ang kung anong nakapatong sa mesa.

“Kain ka na...” paanyaya ni Cholo sa binata.

Inangat na ni No. 37 ang kamay at tila sinasapo ang hangin at dinadala ito sa kanyang mukha para tuluyang maamoy ang mga bagay sa mesa, nilalanghap ang bawat amoy na pumapawi sa sensasyong nadarama. Saglit ay tumigil siya nang mapansin niyang pinapanood siya ng dalawang nasa harap.

Bumulong si Julianne sa kapatid, “anong ginagawa niya?”

“Inaamoy niya yung pagkain...” sagot naman nito.

14 June, 2012

next to you • 3




Chapter 3

Basang-basa na ng likidong nahuhulog mula sa itaas si No. 37 pero patuloy pa rin ito sa pagsunod sa Aphrodite. Wala nang sinasabi ang tracker, 'malamang ay sinira ito ng likido,' bulong nito sa sarili.

Isang liko na lamang ay mararating na ni Julianne ang kanilang bahay, binalak niya sanang isumbong ito sa mga gwardya ng subdivision kung may tao sa guardhouse, pero kahit ilaw wala siyang natanaw rito, kaya binilisan niya pa ang pagsuong sa ulan lalo't hindi na niya nagawang damputin pa kanina ang kaniyang payong..

Pagkarating na pagkarating ni Yanie sa tapat ng bahay nila ay agad itong pumasok ng gate at ni-lock ito, pumasok ng pinto at dalawang beses din itong kinandado. Agad siyang sumilip sa bintana, tinatanaw ang gate kung nakasunod pa rin sa kanya ang lalaki, "wala na siya..."

13 June, 2012

next to you • 2




Chapter 2

"Here's your Special Hot Choco Non-Fat Cream plus Coffee Mix Punch," pag-serve ni Kristoff sa kanyang unang customer ngayong gabi.

"Huh? Kaka-start lang ng rainy season hot beverage na kaagad ang ibinibigay mo sa akin?" ngingiti-ngiting sabi ni Joyce.

Pabirong binawi ni Kris ang tasa at, "eh di akin na lang 'to..."

"Kaltas yan sa sahod mo..." biglang sagot ng dalaga tapos sabay na silang nagtawanan.

08 June, 2012

next to you • 1



Chapter 1

Gusgusing bata... Hala sige, iduldol mo pa sa mukha mo yang ice cream... Ice cream sa kamay, sa pisngi, sa ilong, sa baba, grabe... Ngayon ka lang ba nakakain ng ganyan? Pinagtitinginan na tayo ng mga tao, baka pwedeng umayos ka naman?’ napangiti na lamang si Julianne habang pinapanood ang kasama na abalang kumakain ng ice cream, saglit ay biglang huminto ang binata, inalis na ang apa sa kanyang mga labi.

Tahimik lang na nakikipagtitigan ang binata sa kasa-kasamang dalaga, hawak pa rin ang cone na kanina lang ay punong-puno ng malamig at masarap na bagay na tinatawag nilang ‘ice cream.’

Nag-aalala si Julianne sa biglang inaasal ng binata, masayang masaya ito kanina nang kainin niya ang ice cream ng ibang tao, mas lalo na nang ibili na siya nito ng sariling makakaing sorbetes.

 Seryoso siyang nakatingin kay Julianne nang sa wakas ay magsalita na siya, “Yanie...” tawag nito sa dalaga nang alisin na niya ang titig nito at ibinaling sa apa na kanyang hawak, “ubos na...” malungkot nitong sabi.

‘Seriously? Ano ka isip-bata?’ bulong nito sa kanyang sarili, “nakakain rin ‘yang hawak mong apa...”

Gumuhit muli ang inosenteng ngiti sa labi ng binata, “talaga?!”

07 June, 2012

next to you • cover


Unang araw ng tag-ulan nang unang beses na makita ni Julianne ang binata at pagkatapos noon hindi na siya nilubayan ng lalaking ito. Walang pamilya, walang kakilala at walang matitirhan, tila bigla na lang sumulpot ang binata sa kasalukuyan. Walang ibang sinasabi kundi ka-weirdo-han, tanging si Cholo, nakababatang kapatid ni Julianne, ang umiintindi rito. Hindi hanggang mapatunayan ng binata ang kanyang mga sinasabi at totoo na ang pangalan niya ay No. 37...