Showing posts with label kanto't sulok. Show all posts
Showing posts with label kanto't sulok. Show all posts

13 November, 2011

Kanto't Sulok • 52 Chain Messages Received

Nakatanggap ka na ba ng mga mensaheng may kaakibat na “pass this to twelve of your friends or she’ll peck your face off” sa dulo? Ako, minsan madalas, minsan paminsan-minsan, kung magulo, ganun talaga.

Naba-badtrip ka ba sa mga kaibigan mong pinapasahan ka ng kalokohang bagay na ito? Ako? Oo.

Chain message, meaning mensaheng pinagpasapasahan, in-edit kaunti, pinasa ulit, dinagdagan ng kaunting thrill, pinasa, natakot, pinasa, na-badtrip, pinasa, hanggang sa mapasakamay mo na nga ang finish product ng kanilang pinaghirapan. Natuwa ka ba? Natuwa ba sila? May natuwa ba? May yumaman ba? Gash… At nasisiguro ko, minsan sa buhay mo, pinatulan mo ang kagag*hang ‘to, kasi ako, oo.

Pero, saan ba talaga nagsimula ang chain messaging? Eh kung sabihin ko sayong linggo-linggo mo itong naririnig? “Humayo kayo’t ikalat ang mabuting balita ng Panginoon.” Enlightened?